JK pinakulam ng galit na fan?

Hindi nasipot ni Juan Karlos Labajo ang show kahapon (March 29, 5pm) sa Fairview Terraces. Kasama sana niya ang grupong BRWN sa show na ‘yon.

The post JK pinakulam ng galit na fan? appeared first on Abante News Online.

jk pinakulam ng galit na fan - JK pinakulam ng galit na fan?
jk 3 - JK pinakulam ng galit na fan?

Hindi nasipot ni Juan Karlos Labajo ang show kahapon (March 29, 5pm) sa Fairview Terraces. Kasama sana niya ang grupong BRWN sa show na ‘yon.

Pero bago mag-isip ng kung ano-ano, maaga pa lang ay nagsabi na agad si JK na hindi sila makakarating sa show na ‘yon, dahil sa sakit.

“Unfortunately my band and I won’t be able to perform here later for I got really sick. Love you guys. Panoorin niyo ang BRWN sobrang solid nila!” mensahe pa ni JK.

Pero sa Instagram story niya, heto naman ang post ni JK:

“Magpapa-check up ako sa St. Peters tingnan natin kung ano to. Or punta ako sa albularyo na tropa ko baka daw kasi may nagpakulam sa akin!”

Ah, okey….

Ang mga fan naman ni JK, siyempre pa ay nag-alala, at pinayuhan siya na magpahinga muna.

dokirene: “Un ubo nya last Wednesday habang na sa 19East hindi na talaga maganda, rest well kuya @karloslabajo.”

ampibaui: “It’s ok bebeh jekoyyyy, pahinga ka muna kse masyadong hectic sched mo..mas matutuwa mga fans mo pag inaalagaan mo sarili mo…get well soon, and have time to relax with Buwana and Lola Linda… ps: congrats for ur new released song, Biyak…sounds wonderful.”

Well, sa kasikatan ni JK ngayon, at totoo naman na super ratsada siya sa work, kaya tama rin lang na magpahinga muna, at huwag abusuhin ang katawan.

Pero, kaaliw rin na ang millennial na rakista na tulad ni JK ay naniniwala pa rin pala sa kulam.

The post JK pinakulam ng galit na fan? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *