JK nabuwisit sa CebuPac

Ramdam na ramdam ang galit sa Instagram story ni JK Labajo dahil sa naranasan daw niya sa Cebu Pacific.

The post JK nabuwisit sa CebuPac appeared first on Abante News Online.

jk nabuwisit sa cebupac - JK nabuwisit sa CebuPac
JK 1 - JK nabuwisit sa CebuPac

abante paistaran dondon sermino 336x224 - JK nabuwisit sa CebuPacRamdam na ramdam ang galit sa Instagram story ni JK Labajo dahil sa naranasan daw niya sa Cebu Pacific.

Hindi nga napigilan ni JK ang magkuwento ng ‘madilim’ (kulay itim ang background ng sulat niya para sa CebuPac) na karanasan daw niya.

Heto nga ang sulat ni JK:

“Dear @cebupacificair,

“Maraming salamat sa pag-aksaya ng 14 oras ng aming buhay. Kahapon delayed, nga-yon cancelled.

“Keep it up. You’re doing a great job!” sabi ni JK.

Heto naman ang kasunod pa niyang letter na mababasa sa IG story niya:

“Alas 3 ng madaling araw nung ako’y nakauwi sa aking bahay galing sa isang humigit kumulang 14 oras na biyahe sa lupa at 3 oras na biyahe sa barko sapagkat kinancel ng @cebupacificair ang aming 45 minutos na flight.

“Kami ay ‘di nakatulog sa biyahe sapagkat napakasakit sa katawan ng upuan na aming sinakyan. Dinagdagan pa ng pinaghalong init at sobrang ulan. Ngayon ang sama ng aming pakiramdam.

“Maraming salamat sa sakit na inyong binigay @cebupacificair. Mabuhay!”

Well…

Cherie Gil pahihirapan ang mga baguhang artista

Opisyal nang inanunsyo ng GMA-7 ang magiging hosts at council ng u­pcoming Season 7 ng original reality-based artista search. Pangungunahan pa rin ng original host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagho-host sa StarStruck.

Makakasama niya ang award-winning actress at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng programa.

Maraming netizen naman ang nagpakita ng suporta at excitement para sa mga pina-ngalanang council members na kinabibilangan nina Kapuso Sweetheart and Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, EB Dabarkads Jose Manalo at batikang aktres at kontrabida na si Cherie Gil.

Well, sa taas ng taste ni Cherie Gil sa mga gustong mag-artista, sure ako na mahihirapan silang lahat ngayon.

‘Ika pa ng Facebook user na si Ahndy Tabon Adolfo, “I love the council this season plus the hosts! Great choices!”

Pakatutukan ang matitinding challenges na pagdadaanan ng new Starstruck hopefuls ngayong Hunyo na! Mga Kapuso, ready na ba kayo ulit maki-Dream, Believe, Survive?

The post JK nabuwisit sa CebuPac appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *