JK Labajo sinita sa kapilyuhan kay Maureen

Kinilig ang mga netizen sa sagutan ng magdyowang JK Labajo at Maureen Wroblewitz sa social media. Noong magpagupit kasi ng kanyang mahabang buhok si JK at pinost niya ito sa Instagram, nag-comment si Maureen sa mukha nang mas batang JK ngayon.

jk labajo sinita sa kapilyuhan kay maureen - JK Labajo sinita sa kapilyuhan kay Maureen
jk labajo 1 - JK Labajo sinita sa kapilyuhan kay Maureen

Kinilig ang mga netizen sa sagutan ng magdyowang JK Labajo at Maureen Wroblewitz sa social media. Noong magpagupit kasi ng kanyang mahabang buhok si JK at pinost niya ito sa Instagram, nag-comment si Maureen sa mukha nang mas batang JK ngayon.

“Can’t braid your hair na,” comment ni Maureen.

Pa-naughty naman ang reply ni JK kay Maureen na: “its fine you can breed me.”

Umani ng maraming comment ang sagot na ‘yan ni JK kay Maureen. May ibang kinilig at may iba namang sinita ang pagiging pilyo ni JK.

May iba kasing meaning ang “breed” sa mundo ng mga beki. Katwiran ni JK, play on words lang daw ‘yung pagsagot niya. Hindi niya in-expect na marami ang magre-react, ‘yung iba ay may malisya pa sa utak.

“It all depends, man, it depends on how people see it,” diin pa ni JK. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *