JK Labajo pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa US

Alam mo, Dondon, hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang “Buwan” song ni JK Labajo. Nasa Amerika nga ngayon ang singer/actor dahil may ilang mga show siya at pinagkakaguluhan siya ng mga Pinoy roon.

jk labajo pinagkaguluhan ng mga pinoy sa us - JK Labajo pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa US
jk 4 - JK Labajo pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa US

Jun Lalin Anything Goes 17 336x224 - JK Labajo pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa USAlam mo, Dondon, hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang “Buwan” song ni JK Labajo. Nasa Amerika nga ngayon ang singer/actor dahil may ilang mga show siya at pinagkakaguluhan siya ng mga Pinoy roon.

Ilang friends ko ang nakasama niya sa isang special performance niya sa Los Angeles, California at puring-puri si JK. Nice raw ito.

“Magalang na bata,” sey ng isang katsikahan ko.

Mali nga raw ang ibang mga nababalitaan nila na may attitude si JK dahil very accommodating nga raw ito sa mga nakikipagtsikahan at nagpapa-picture.

Nice!

Regine, Sharon dudumugin ng mga fan mula abroad

Alam mo, Dondon, maraming mga celebrity na gustong manood ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid on October 18 & 19 sa Araneta Coliseum. Ngayon pa lang ay nagtatanong na sila sa akin how they can buy platinum tickets, pero sabi ko nga, nag-announce na ang Megastar at Asia’s Songbird na ubos na talaga ang mga ‘yon.

Actually, tinanong ko nga si Cacai Velasquez-Mitra, Regine’s sister cum manager at isa sa mga producer ng “Iconic”, kung wala ba silang balak gawing three nights na ang concert. Pero hindi raw kakayanin dahil sa schedule nina Sharon at Regine.

Every Sunday nga naman ay may “ASAP Natin ‘To” si Regine, kaya malabo na magkaroon pa sila sa October 20.

Pati schedule raw ni Sharon ay hindi kakayanin kung magti-third night pa sila.

Oo nga pala, alam mo ba, Dondon, na may mga fan sina Sharon at Regine na based abroad ang uuwi ng Philippines to watch their “Iconic” concert?

Mukhang hindi na nga sila makapaghintay kahit lumabas na ang balitang next year ay lilibot sa iba’t ibang bansa ang “Iconic”.

Talagang they want to watch it na ngayon pa lang, huh!

Anyway, next week ay magiging abala na sina Sharon at Regine sa mga rehearsal nila. May ilang promotions din silang gagawin, pero ang alam ko, sa October 10 ang taping nila for “Tonight With Boy Abunda” at after ‘yon ng second press conference nila for “Iconic” sa araw na ‘yon.

Ogie sobrang husay sa ‘MMK’

Isa nga pala si Regine sa nagpo-promote ng “Boses At Kamay” episode ng “Maalala Mo Kaya” na pinagbibidahan ng mister niyang si Ogie Alcasid. Happy si Regine sa drama episode ng mister sa “MMK”.

Actually, si Ogie mismo, gustong-gusto ang episode niyang ‘yon sa “MMK”. Nagandahan talaga si Ogie sa istorya ng “Boses At Kamay”, kaya naman kahit sobrang hectic na ng kanyang schedule ay pinagbigyan pa rin niya ang guesting doon.

Happy naman si Ogie dahil plugging pa lang ng “MMK” episode niya ay marami na ang nagko-congratulate sa kanya. May ibang kumalabit kay Ogie at nagsasabing they can’t wait to watch “MMK” later.

I’m sure, sabay na panonoorin nina Ogie at Regine ang “MMK” mamaya.

Anyway, on October 10 na nga pala ang “Ogie and The Hurados” concert ni Ogie sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Eh, may work si Regine at may promotions nga sila ni Sharon, sana nga ay maagang matapos ang taping nila sa talk show ni Boy Abunda para makahabol siya sa concert ng mister.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *