Jinkee, Ji Chang Wook super chika sa Korea

Fan girl ba ang usapan? Well, wala na ngang tatalo pa kay Jinkee Pacquiao, ha! Imagine, for the second time around, ginawa niya ang lahat para ma-meet ulit ang super paborito niyang Korean star na si Ji Chang Wook, ha!

jinkee ji chang wook super chika sa korea - Jinkee, Ji Chang Wook super chika sa Korea
jinkee 2 - Jinkee, Ji Chang Wook super chika sa Korea

Dondon Sermino Paistaran 37 336x224 - Jinkee, Ji Chang Wook super chika sa KoreaFan girl ba ang usapan? Well, wala na ngang tatalo pa kay Jinkee Pacquiao, ha! Imagine, for the second time around, ginawa niya ang lahat para ma-meet ulit ang super paborito niyang Korean star na si Ji Chang Wook, ha!

At iba rin kasi kapag asawa ka ng sikat na boksingero sa buong mundo, si Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao, dahil magiging madali lang ang lahat sa iyo, o tipong magkakaroon ka talaga ng access pass sa mga paborito mong personalidad.

Makikita nga sa Instagram ni Jinkee ang sunod-sunod na picture, video niya na kasama si Ji Chang Wook, of course, pati ang mga anak niya, mga kamag-anak, at si Pacman mismo.

“Happy to see you again @jichangwook,” ang caption ni Jinkee sa mga photo na katabi niya si Ji Chang Wook.

“What a blessed and happy night indeed!!! @jichangwook,” kasunod na caption niya sa sunod-sunod na photo, video ni Ji Chang Wook na kasama ang mga anak niyang babae.

Makikita sa video na ‘yon kung paano masayang nakipag-chikahan si Ji Chang Wook sa grupo nina Jinkee.

At ang mas bongga nga ay may photo rin sa mismong Instagram ni Ji Chang Wook na kasama naman niya si Pacman.

“Pacquiao came to visit the scene of softly!! Thanks @mannypacquiao,” caption naman ni Ji Chang Wook.

Niregaluhan nga ni Pacman si Ji Chang Wook ng boxing gloves na pirmado niya. At kitang-kita sa mukha ni Ji Chang Wook ang kaligayahan, pati na ng mga kasamahan niyang Koreans.

At kaloka rin ang Lola Jinkee mo, dahil ang feeling ko, nagpagawa pa talaga siya ng mala-mini van na resto sa location ng shooting ni Ji Chang Wook. Makikita ‘yon sa IG story ni Ji Chang Wook, dahil nag-thank you nga siya para roon.

Well, iba na talaga kapag mayaman, sikat ka, kaya mong gawin ang lahat. Kunsabagay, kung ang mga Royal blood nga sa Europa ay nakakadaupang palad ni Pacman, ang mga K-drama star pa ba ang hindi?

At siyempre, ang reaksyon lang ng mga fan, at mga artistang baliw na baliw rin sa mga Korean star, nganga, at nanlalaki lang ang mga mata nila.

‘Kababalaghan’ ni Noli de Castro ilalantad sa Linggo

Hindi kumpleto ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Halloween kapag hindi nila nasusubaybayan ang mga nakakikilabot na kuwento ni ABS-CBN veteran broadcaster Noli de Castro sa “Kababalaghan” TV special tuwing Undas. Ngayong taon, apat na kuwentong magpapatayo ng balahibo ng viewers ang itatampok ni “Kabayan” sa Linggo (Nobyembre 3), 9 pm sa ABS-CBN at iWant.

Magsisimula ang takutan sa kuwento tungkol sa isang salaming pagmamay-ari ng pamilya Abrino. Ang pamanang pinaniniwalaan nilang may dalang suwerte ay pinagkukublihan pala ng iba’t ibang nilalang.

Tampok naman sa pangalawang kuwento ang dalawang kilalang manggagamot sa Siquijor na binuweltahan ng sumpa at kulam na ginamot nila sa kanilang mga pasyente.

Umiikot naman ang pangatlong kuwento sa isang inabandonang bahay sa Dasmariñas, Cavite, kung saan daw multo ng isang lola at white lady ang ilan lamang sa mga nilalang nakikita ng mga residente tuwing gabi.

Kumukumpleto naman sa mga kuwento ang Kampo Bello, isang abandonadong clubhouse sa Pililia, Rizal na pinaliligiran daw ng mga kapre, tikbalang at multo. Nagdala ang “Kababalaghan” team ng mga paranormal expert para imbestigahan ito.

Tutukan ‘yan sa “Kababalaghan” special ni Noli de Castro ngayong Linggo (Nobyembre 3), 9 pm sa ABS-CBN o i-livestream ito sa iWant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *