Jinggoy ‘kinarma’ kay Sylvia

Nahirapan si former Sen. Jinggoy Estrada sa tanong ko, na kanino siya mas ginaganahan sa eksena, kay Sylvia Sanchez ba na leading lady niya sa Coming Home, o si Ara Arida, na ‘kabit’ niya sa pelikula?

The post Jinggoy ‘kinarma’ kay Sylvia first appeared on Abante.

jinggoy kinarma kay sylvia - Jinggoy ‘kinarma’ kay Sylvia
abante jinggoy - Jinggoy ‘kinarma’ kay Sylvia

Nahirapan si former Sen. Jinggoy Estrada sa tanong ko, na kanino siya mas ginaganahan sa eksena, kay Sylvia Sanchez ba na leading lady niya sa Coming Home, o si Ara Arida, na ‘kabit’ niya sa pelikula?

Hindi raw niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Ayaw niyang ma-hurt si Sylvia, na malapit niyang kaibigan.

Pero, si Sylvia na mismo ang nagsabi na, ‘Ay naku, mas looking forward siya kapag si Ara kaeksena niya. Sa akin, lagi niyang sinasabi, ang taba ko raw! Hahahaha!” sabi ni Sylvia.

“Pero kakasabi niya ng mataba ako, ayun, nakarma siya! Tumaba na rin siya! Hahahaha!” sey pa ulit ni Sylvia.

Well, sino ba naman kasi ang hindi tataba sa syuting kung palaging may lechon at masasarap na pagkain sa harap mo.

“Si Sylvia kasi, lechon lang katapat niya. Let’s say, kahit mahirapan ako sa mga scene namin, kahit maka-take 5 ako, hindi ako nahihiya sa kanya, alam kong maiintindihan niya. At saka, lechon lang katapat niya! Hahahaha!” giit pa ulit ni Jinggoy.

Eh, si Ara?

“Ah, ibang usapan ‘yon! Ngayon ko lang siya nakasama! Medyo nahihiya pa ako sa kanya,” natatawang sabi pa ni Jinggoy.

Anyway, kasali nga sa Metro Manila Film Festival 2020 ang Coming Home, na dinirek ni Adolfo Alix Jr., sinulat ni Gina Marissa Tagasa, at prodyus ng Maverick Films. (Dondon Sermino)

The post Jinggoy ‘kinarma’ kay Sylvia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *