Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted Failon

Umeeksena naman itong si Jim Paredes kasabay ng pamamaalam ni Manong Ted Failon sa programa niya sa DZMM.

The post Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted Failon first appeared on Abante.

jim paredes binakbakan ng kampo ni ted failon - Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted Failon
abante jim paredes - Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted Failon

ambetabol ambet nabus 1 300x200 - Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted FailonUmeeksena naman itong si Jim Paredes kasabay ng pamamaalam ni Manong Ted Failon sa programa niya sa DZMM.

Tinawag ngang “spreader of fake news” ng dating kilalang APO member ang pamoso nating kaibigan at dating kasamahan sa DZMM.

Siyempre, marami ang nagtanggol kay Manong Ted kaya’t hayun, nag-boomerang na naman sa singer ang sitwasyon.

Pero pinakapinagtawanan namin ang komento ng mga netizen na kung si Ted Failon ay spreader ng fake news ayon kay Paredes, ito naman daw ay “spreader ng chicken legs at gatas na panis na nga, mas malakas pa raw ang ihi ng sanggol sa patak.” Hahahaha!

Kayo na po ang bahalang mag-isip at magkonek kung ano ang mga yun dahil puwedeng-puwede sa “tiktok” ang ganung eksena hahaha!

Reporter ng Dos tinanggihan ng Singko

Speaking of Manong Ted, inaayos lang ang ilang detalye, ayon sa aming kausap, kaugnay ng paglipat nito sa TV 5 o Radyo Singko. Siniguro ng aming source na merong lilipatan ang kilalang broadcaster at gaya nga ng mga napapabalita, sa tahanan ng Kapatid network ito pupunta.

Matatandaang lumabas na ang balitang ito weeks before his reported “goodbye” sa DZMM at ABS-CBN.

May tsismis lang kasing tila merong gustong isama si Manong Ted na umano’y hindi ganun ka-feel ng Kapatid network. Hmmm…sino kaya yun o sila?

Well, ayon sa aming kausap, hindi matatagalan at aarangkada muli sa ere ang isang Ted Failon!

The post Jim Paredes binakbakan ng kampo ni Ted Failon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *