Jessy todo suporta sa kandidatura ni Ate Vi

Dumalo ang ilang Kapamilya star sa meeting de avance ng mga politiko sa Lipa, Batangas kamakailan. Nakita ko nga sina Jessy Mendiola, Luis Manzano, Matteo Guidicelli.

The post Jessy todo suporta sa kandidatura ni Ate Vi appeared first on Abante News Online.

jessy todo suporta sa kandidatura ni ate vi - Jessy todo suporta sa kandidatura ni Ate Vi
jessy 4 - Jessy todo suporta sa kandidatura ni Ate Vi

Dumalo ang ilang Kapamilya star sa meeting de avance ng mga politiko sa Lipa, Batangas kamakailan. Nakita ko nga sina Jessy Mendiola, Luis Manzano, Matteo Guidicelli.

At siyempre ay nandoon din ang char-ming boyfriend ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada na tumatakbo bilang Konsehal sa lungsod ng Lipa, Batangas.

Nang makorner ng aming team ang magdyowang Luis at Jessy, unang tinanong ko sa kanila ay kung kumusta ang pakikilahok sa nasabing kaganapan, at sumagot naman si Jessy na masaya siyang makita ang mga Lipeno, lalo na ang mainit na pagtanggap sa kanila, naroon siyempre sila bilang suporta kay Cong. Vilma Santos.

First time raw maki-join ni Jessy sa ganoong kaganapan at nag-enjoy naman daw siya.

Si Lucky naman, siyempre ay nandoon bilang suporta sa kanyang ina na si Cong. Vilma, at masaya siya na kasama niya si Jessy sa kaganapang iyon.
Nagpasalamat si Luis sa mga supporter ng kanyang ina na walang sawang nagtitiwala at nagmamahal kay Cong. Vilma. (Athena Yap)

The post Jessy todo suporta sa kandidatura ni Ate Vi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *