Jessy tinawag na ahas, Alex nairita

Yung feeling na akala mo, magpapa-kasal na si Alex Gonzaga, dahil sa drama niya, na pagod na siyang maging third wheel sa mga magulang niya, at sa ate niya at kay Direk Paul Soriano.

jessy tinawag na ahas alex nairita - Jessy tinawag na ahas, Alex nairita
ABANTE alex jessyy - Jessy tinawag na ahas, Alex nairita

Yung feeling na akala mo, magpapa-kasal na si Alex Gonzaga, dahil sa drama niya, na pagod na siyang maging third wheel sa mga magulang niya, at sa ate niya at kay Direk Paul Soriano.

“Para sa lahat ito ng single at nagsasawa na mag-antay ng jowa: Buong 20’s ko lagi AKO LANG ang single sa family and barkada ko. Nung kinasal ang ate may mga nagtatanong na “ikaw, Kailan ka naman ikakasal?” Gusto ko sagutin TEKA lang naman wala pa nga tumagal na jowa!

“At sa tagal kong hinintay kung kailan matatapos ang pagi-ging third wheel ko dahil sawa na rin ako mainggit at sagutin ang tanong na “Wala ka pa rin boyfriend!?” Finally dumating din!

“Swipe to see na may sumubok nang magkamali kahit paa-no! Hehe Kaya sa lahat ng jowang jowa na, wait lang kayo dahil dadating din talaga sya,” sabi ni Alex.

Siyempre, dahil friends naman sina Alex at Luis Manzano, kaya friend na rin ni Alex si Jessy Mendiola. Nag-comment ng tatlong pulang puso si Jessy, at hindi yon nagustuhan ng ibang fan.

Tulad nitong si sarahm503, na nag-sabing; “@senorita_jessy ikaw landi kaylan kasal mu hahahaha the most hated celebrity in the Philippines no worry may kasama kana si Julia B na parehong jomowa ng may jowa kahit hind pa break mga cheater mag audition na kayu ng valentina role sure makukuha kayu hahahaha.”

Oh, di ba? Buti na lang at hindi pikon si Jessy, dahil ang reply lang niya; “ move on!”

Siyempre, iritada rin si Alex, na may bastos na nagku-comment sa wall niya at nilalait pa ang friend niya. Palaban nga si Alex sa pagtatanggol sa kanyang kaibigan.

“@sarahm- 503 wag ka mag-nega dito!” sabi ni Alex.
Iba rin talaga ang mga fan, di ba? Kaloka! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *