Jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat

Ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang sentimyento tungkol sa mga basu­rang nakakalat sa dagat na nagdudulot sa pagkamatay ng mga isda at iba pa.

The post Jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat appeared first on Abante News Online.

jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat - Jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat
jesssy - Jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat

Ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang sentimyento tungkol sa mga basu­rang nakakalat sa dagat na nagdudulot sa pagkamatay ng mga isda at iba pa.

Kilala ang aktres na mahilig sa mga hayop na nasa ilalim ng tubig.

Katunayan ay nag-post pa si Jessy ng photo na sumisid siya sa ilalim ng dagat kasama ang mga dolphin.

Natagpuan ni Jessy ang mga litrato sa online ng mga lamang-dagat na nagdurusa sa mga plastik na itinatapon ng mga tao sa dagat, dahilan para malungkot at mabasag ang puso ng aktres.

“Why can’t we all be more careful where we throw our garbage?” sabi ng aktres sa pamamagitan ng Instagram story.

Sunod-sunod pa ang mga talak ni Jessy na ipinapakita ang mga litrato ng mga undersea animal para mabigyan ng kamalayan ang mga taong tila walang pakialam kapag nagtatapon ng basura sa dagat.

Panawagan pa ni Jessy na limitahan na lang dapat ang paggamit ng mga plastic lalo na kung hindi naman daw alam kung saan dapat itapon ang mga ito. (Athena Yap)

The post Jessy tinalakan ang mga balahura sa dagat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *