Jessy pinuri, nilait sa pangongopya ng mukha ni Taylor Swift

Jessy pinuri, nilait sa pangongopya ng mukha ni Taylor Swift

Pintas, puri ang inani ni Jessy Mendiola nang tangkain niyang i-impersonate ang singer na si Taylor Swift. Naka-post sa Instagram ni Jessy ang makeup transformation niya kay Taylor sa parehong buhok at damit nito.

jessy pinuri nilait sa pangongopya ng mukha ni taylor swift - Jessy pinuri, nilait sa pangongopya ng mukha ni Taylor Swift
jessy mendiola 2 - Jessy pinuri, nilait sa pangongopya ng mukha ni Taylor Swift

Pintas, puri ang inani ni Jessy Mendiola nang tangkain niyang i-impersonate ang singer na si Taylor Swift. Naka-post sa Instagram ni Jessy ang makeup transformation niya kay Taylor sa parehong buhok at damit nito.

In fairness, nahahawig naman si Jessy kay Taylor sa mga anggulo nito.

Puwedeng mapagkamalang magkapatid o kambal ang Kapamilya star at ang American singer sa magkaparehas nilang itsura.

Marami ang bumilib at pumuri sa almost 100 percent na pagkakapareho ng mukha nina Jessy at Taylor. Ang iba ay nagsasabing mas maganda pa nga si Jessy kay Taylor.

May mga namintas din na may eye bags ito na wala si Taylor. Masyado rin daw makapal ang pilik-mata ni Jessy, na ‘di gaya sa American record superstar na natural ang eyelash.

Siyempre, super support ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano na nag-comment ng maraming red heart icon. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *