Jessy, Luis hiniritan ng apo ni Edu

Dahil ‘engaged’ na nga sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ang date na lang ng kasal nila ang inaabangan ng mga fan.

The post Jessy, Luis hiniritan ng apo ni Edu first appeared on Abante.

jessy luis hiniritan ng apo ni edu - Jessy, Luis hiniritan ng apo ni Edu
jes 1 - Jessy, Luis hiniritan ng apo ni Edu

Dahil ‘engaged’ na nga sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ang date na lang ng kasal nila ang inaabangan ng mga fan.

At ngayon pa lang, tila mas excited na ang tatay na si Edu Manzano sa magaganap na pag-iisang dibdib nina Jessy at Luis.

At tila mas excited na rin talaga siya na magkaapo kina Jessy at Luis.

Katunayan, nag-post nga siya ng video ni Luis na nagsasayaw sa show ni Cong. Vilma Santos noon.

“This is it!

“You’ve seen him grow up from a young boy to who he is today. Played many characters and roles.

“Soon, his most challenging role to date. Abangan!” sabi ni Edu sa video.

At siyempre, kanya-kanyang komento ang mga kaibigan ni Edu. Lahat sila ay kinu-congratulate si Luis. At lahat sila ay nagsasabing sana ay magka-baby agad sina Luis at Jessy, para maging lolo na si Edu.

tingduque: “Yehey! Welcome to the world of being an in law. Hopefully grandpappy next naman. Apir!”

na sinagot naman ni Edu ng mga emoji na ‘pinagdarasal’ niya `yon, na may kasunod pang mga kamay na pumapalakpak.

Sa komento na `yon ni Edu, paramdam na nga `yon kina Jessy at Luis na madaliin ang pagkakaroon ng pamilya, para maging lolo na nga si Edu.

***

Bea, Derek hindi ikinasal

Ayaw tantanan ng tsismis si Derek Ramsay. Kung ano-ano na nga ang binabato sa kanya.

Ang nakakaloka, hindi na mga reporter ng showbiz ang gumagawa ng tsismis kundi mga netizen, tagahanga na, ha!

Sinabi na nga ni Derek na ‘She deserves better’ na patungkol kay Andrea Torres, para matigil na ang patutsada ng mga fan.

At nakakaloka nga na padagdag nang padagdag ang mga tsismis sa kanya. Matapos siyang itsismis sa kaibigan niyang lalake, na sinagot na nga niya, kay Bea Alonzo naman siya inili-link.

Kaloka ang tsismis na kesyo nagpakasal daw sina Derek at Bea noon. Sikretong kasal daw `yon, ha!

“Nope!” ang sagot ni Derek sa tanong ni @normagalvezortega na ‘I idol Derek, totoo ba na nagpa-secret married kayo ni Bea Alonzo?’

Well, nagsama sa pelikulang ‘Kasal’ sina Bea at Derek noong 2018, at kasama pa nila sa movie na `yon si Paulo Avelino.

The post Jessy, Luis hiniritan ng apo ni Edu first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *