Jessy inokray, walang ‘K’ ipalit kay Liza

Bayolente ang reaction ng mga netizen nang mabanggit ang pangalan ni Jessy Mendiola bilang isa raw sa puwedeng gumanap na Darna dahil nag-back out na sa naturang project si Liza Soberano.

The post Jessy inokray, walang ‘K’ ipalit kay Liza appeared first on Abante News Online.

jessy inokray walang k ipalit kay liza - Jessy inokray, walang ‘K’ ipalit kay Liza
jessy 3 1 - Jessy inokray, walang ‘K’ ipalit kay Liza

Bayolente ang reaction ng mga netizen nang mabanggit ang pangalan ni Jessy Mendiola bilang isa raw sa puwedeng gumanap na Darna dahil nag-back out na sa naturang project si Liza Soberano.

Walang gaanong reaction kina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo at Maja Salvador noong i-suggest ang mga name nila.

Pero noong mabanggit ang name ni Jessy, panlalait ang natanggap ng girlfriend ni Luis Manzano mula sa netizens.

Nagsimula ang lahat nang mag-post ang isang Pinoy graphic artist na si Cholo Delos Reyes Velas or Chovelasarts ng Darna fan art na ang mukha ay si Jessy.

May caption ito na: “@senorita_jessy as Darna, coz why not? Still not sure with the helmet though, might make some few changes to it.”

Noong makarating ito kay Jessy, nag-post ito ng comment na “Oh wow thank you,” with a matching heart emoji.

Pero noong makita ito ng netizens ay binash nila si Jessy dahil wala raw itong karapatang maging Darna dahil marami raw kulang sa aktres.

Heto ang ilang pamba-bash ng netizens kay Jessy:

“Parang awa nyo na. Wag naman po.”

“Ibaon nalang po ang kwento ni Darna kung sya ang gaganap!”

“Hindi naman susugal ang Star Ci­nema sa kanya as the Lead/Main artist sa movie, more so to be Darna. Alam na alam naman ng lahat na walang hatak sa Box office si girl and walang acting skills din.”

“Feel na feel anoh? Asa ka pa!”

May mga nagtanggol din naman kay Jessy;

“Hindi naman sya ang nag drawing at hindi sya ang nag post. To say nagfe-feeling sya is you putting the negative notion sa gratitude na pinakita nya to someone who thought of her.

Ano kayang gagawing pagtatanggol ngayon ni Luis para kay Jessy? Knowing Luis na mahilig din pumatol sa mga bashers, hindi ito basta na lang mananahimik sa panlalait ng netizens sa kanyang girlfriend.

The post Jessy inokray, walang ‘K’ ipalit kay Liza appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *