Jessy handa nang pakasal kay Luis

Nagmistulang mannequin o manyika sa eleganteng wedding gown ang senorita actress na si Jessy Mendiola nang rumampa para sa mga likha o disenyo ng designer na si Jon Rubio.

jessy handa nang pakasal kay luis - Jessy handa nang pakasal kay Luis
jessy 10 - Jessy handa nang pakasal kay Luis

Praktisado na:

Nagmistulang mannequin o manyika sa eleganteng wedding gown ang senorita actress na si Jessy Mendiola nang rumampa para sa mga likha o disenyo ng designer na si Jon Rubio.

“I felt like a princess bride last night. thank you @jorubio_ for letting me wear one of your beautiful creations. #inspiredbeginnings2019,” saad ni Jessy sa kanyang Instagram post.

Siyempre, nanguna nang mag-comment diyan ang ever supportive boyfriend nito na si Luis Manzano ng emoji na puso.

Maski ang ibang kapwa artista ni Jessy ay humanga sa ganda nito habang suot nga ang wedding gown.

Samantala, tanong naman ng mga fan kung bahagi ba ito ng pagpa-practice ni Jessy bilang bride ni Luis?

Pero mukhang mas magandang tanong ay kung kailan ba magpo-propose si Luis kay Jessy?

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *