Jericho nainis kay Maris

Dahil sa malaking paghanga ni Jericho Rosales kay Maris Racal ginusto nitong magwala, sirain ang telepono. Nagposte si Maris ng video na tumutugtog ng gitara at hindi simpleng kalabit ang ginawa nito, dahilan para magulat si Jericho.

The post Jericho nainis kay Maris first appeared on Abante.

jericho nainis kay maris - Jericho nainis kay Maris
jericho and maris - Jericho nainis kay Maris

Rey pumalopy 7 300x200 - Jericho nainis kay MarisDahil sa malaking paghanga ni Jericho Rosales kay Maris Racal ginusto nitong magwala, sirain ang telepono. Nagposte si Maris ng video na tumutugtog ng gitara at hindi simpleng kalabit ang ginawa nito, dahilan para magulat si Jericho.

“Gusto ko itapon telepono ko, kainis!” komento ni Jericho.

Natawa naman si Maris at pinasamalatan si Jericho.

First time yatang makakita ni Jericho ng kapwa niya artista na bukod sa maganda at seksi ay mahusay ring kumalabit ng gitara.

Arnold dedma sa pasabog ni Sara

Nanatiling tikom ang bibig ni Arnold Clavio sa pasabog ni Sara Balabagan kaugnay sa pag-amin nito na may anak sila, ang 23 year old na si Ara.

Nagpa-interview si Sara sa Bitag ni Ben Tulfo. Hinintay ng netizen ang sagot ni Arnold sa mga punto ni Sarah, pero deadma lang ang huli.

Tila hindi nagpatinag si Arnold sa claim ni Sara at panawagan nitong aminin sa publiko ang pagkakaroon nila ng anak nang mabuntis siya nito noong 17 years old pa lang siya.

Sa Las Vegas, USA na naninirahan si Sara kasama ang anak na si Ara, ang kanyang mister at ang maliliit nilang mga anak.

Sabihin man ni Sara na hindi niya sinisira ang reputasyon ni Arnold, pero ‘yun ang lumalabas ngayon.

Rachel Peters pinagnasaan ng mga yakman

Walang puwedeng magpakalma kay Rachel Peters sa pagpapaseksi.

Muli ay ibinalandra ng beauty queen at dyowa ni CamSur Governor Migz Villafuerte ang kanyang bikini body sa Instagram.

Bakat na bakat ang matambok na pisngi ng hiyas ni Rachel sa suot nitong mint green two piece swimwear. Nakaangat ng bahagya ang isang binti nito sa larawan, kaya hindi naitago ang bakat nito.

Kahit sinong lalake ay magiging yakman sa photo na `yon ng beauty queen.

Dugo ni David Licauco hiningi ng fan

Naaliw ang mga follower ni Pauline Mendoza sa panawagan nito kay David Licauco. Nanghihingi ng libreng ‘chips’ si Pauline kay David na may mga negosyo online, kabilang na ang mga preserved-food items.

“Lagi po ako nag-oorder ng asnature, pwede po ba makahingi ng isang chips na libre? @davidlicauco @asdavidtheceo,” tweet ni Pauline.

Parte ng paandar na ‘Ask David’ ang mensahe ni Pauline.

May ibang fan na nanghingi ng sapatos, jersey, pera, dugo kay David. May ilan naman na nabiyayaan talaga ng mga personal na gamit ni David.

Elisse Joson may bagong raket

Bukod sa mga ibinebentang mga cheesecake, tuyo, daing, condiments, ang pagpasok sa music industry ang pinagkaabalahan ni Elisse Joson.

Nag-release ng kanta ang aktres na pinamagatang “Halika Na”. Marami nga ang nasurpresa dahil hindi naman singer si Elisse.

Anyway, marami sa mga Pinoy celebrity ngayon ang nakakakadiskubre ng iba pa nilang kakayahan dahil sa kawalan ng trabaho. Ang ilan ay sa pagluluto itinuon ang oras.

Richard Yap ratsada sa trabaho

Isa si Richard Yap sa mga Kapamilya star na nakabangon agad matapos maisara ang network. Hayun nga at nagsyusyuting siya ng pelikulang “My First Your Last” kasama sina Lotlot de Leon, Ken Chan, Rita Daniela. Si Louie Ignacio ang direktor nila at prodyus ito ng Heaven’s Best Entertainment.

Sa unang tingin ay aakalain mo ngang lumipat na talaga si Richard sa GMA dahil kasama niya ang tandem nina Rita at Ken.

The post Jericho nainis kay Maris first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *