Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehan

Naging emosyonal si Jericho Rosales sa pamamasyal niya sa isang mall habang naghihintay ng oras para sa isang pupuntahang importanteng meeting.

The post Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehan first appeared on Abante.

jericho nadurog puso umiyak sa mga sinehan - Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehan
tonite jericho rosales - Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehan

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehanNaging emosyonal si Jericho Rosales sa pamamasyal niya sa isang mall habang naghihintay ng oras para sa isang pupuntahang importanteng meeting.

Sa Instagram video ni Jericho na naglalakad siya sa mall, ipinakita niya ang isang bahagi ng sinehan na may standee ng Mulan at poster ng Star Wars.

Gumaralgal ang boses ni Jericho at kahit naka-face shield ito makikita ang pamumula ng kanyang mga mata sa naiipong luha.

Sinabi ni Jericho na durog ang puso niya sa nakikita niyang sitwasyon ng mga sinehang patay na dahil sa pandemya.

Sabik na sabik na si Jericho na makapanood ng mga pelikula sa mga sinehan at mapanood din ang kanyang mga movie.

Positibo ang pananaw si Jericho na muling mabubuhay ang mga sinehan sa 2021.

Vivian may hamon sa pamunuan ng MMFF

Nag-iingay pa lang at wala pang legal na hakbang si Vivian Velez laban sa mga namumuno ng Metro Manila Film Festival, na may kaugnayan sa hinahanap niyang P108M na uncollected funds para sa limang beneficiaries nito, kabilang ang pinamumunuan niyang Film Academy of the Philippines.

Sa panayam ng Abantelliling kay Vivian noong Martes, sa audit daw ng COA (Commission On Audit), lumalabas na P108M pa ang hindi naibibigay ng MMFF sa mga beneficiary nito.

Bukod dito hindi nagsasabi ng halaga ang MMFF sa kung magkano ang ibibigay nila sa mga beneficiary nito. Dapat daw maipamahagi ang halagang ito dahil para ito sa kapakanan ng mga manggagawa ng film industry.

Nilinaw ni Vivian na hindi niya nilalahat ang MMFF, at nagpapasalamat siya sa mga LGUs na kabahagi nito na may malasakit sa mga manggawa ng Pelikulang Pilipino.

Sey mo Nora?

Lotlot busog sa pagmamahal nina Boyet, Sandy

Kung gaano salat sa maayos na samahan ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon, ay siya namang pagkabusog sa kanya ng atensyon mula sa adoptive father niyang si Christopher de Leon at stepmother na si Sandy Andolong.

Pinasalamatan ni Lotlot sina Boyet at Sandy sa post nito ng kanyang larawan sa isang beach resort. Mababasa sa caption ni Lotlot ng scenic view ng dagat ang pasasalamat niya sa tinatawag niyang Dad at Nanay na sina Christopher at Sandy.

Ipinahiram nina Boyet at Sandy ang kanilang rest house sa Lobo Batangas kina Lotlot at sa asawa nito, kay Matet at sa mister nito.

Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, hindi nabali ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Boyet at Lotlot.

Si Boyet ang takbuhan ni Lotlot sa ibang mga problema para hingin ang advice nito.

The post Jericho nadurog puso, umiyak sa mga sinehan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *