Jericho, Kim binansagang ‘Ulysses Modern Heroes’

Ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang isa sa laman ng mga news sa pagragasa ng bagyong Ulysses. Marami ang natuwa at nagpasalamat sa kabayanihan na ipinakita ng mag-asawa.

The post Jericho, Kim binansagang ‘Ulysses Modern Heroes’ first appeared on Abante.

jericho kim binansagang ulysses modern heroes - Jericho, Kim binansagang ‘Ulysses Modern Heroes’
Jericho X Kate - Jericho, Kim binansagang ‘Ulysses Modern Heroes’

Ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang isa sa laman ng mga news sa pagragasa ng bagyong Ulysses. Marami ang natuwa at nagpasalamat sa kabayanihan na ipinakita ng mag-asawa.

Gamit ang kanilang surf board, nagawa ng mga ito na makatulong sa pag-rescue sa mga na-stranded ng baha sa kani-kanilang bahay o bubong sa Marikina.

Pinuri rin si Jericho bilang artista ng netizen na sa halip daw na mga kritisismo ang ginagawa, action ng pagtulong ang inunan nito. Sey ng netizen, “Helping out + not criticizing the government. This is the kind of artist we should adore.”

May bagong bansag din kina Jericho at Kim dahil sa ginawa nila, “Ulysses Modern Heroes.”

Nag-post naman si Echo kinabukasan sa kanyang Instagram account ng kuha niyang larawan na maayos na ang panahon.

Aniya, “Para sa mga nanagip at nasalanta #ulyssesph at #rollyph. Simbolo at mga kulay ng pagbangon mili at bagong pag-asa. Aayusin natin muli hindi lang Marikina, mga karatig siyudad kundi buong bansa. Simulan natin sa loob ng puso natin at pananaw. Isang mapayapang araw sa lahat at sana’y bagong lakas ang maidulot nitong umaga.” (Rose Garcia)

The post Jericho, Kim binansagang ‘Ulysses Modern Heroes’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *