Jeric, Klea todo landian sa Iloilo

Last Sunday and Monday ay umikot sa Iloilo City sina Jeric Gonzales at Klea Pineda para magpakilig ng mga fan at imbitahan silang manood ng “Magkaagaw”. Walang humpay ang hiyawan mula sa audience na pumunta sa SM City Iloilo. Sobrang tamis din ng mga Instagram photo ng dalawa na talaga namang inabangan din online! Magka-holding hands pa sila sa tinawag na City of Love habang naghahanap ng masarap na La Paz Batchoy.

jeric klea todo landian sa iloilo - Jeric, Klea todo landian sa Iloilo
jeric x klea - Jeric, Klea todo landian sa Iloilo

Joe Barrameda Talbog 8 336x224 - Jeric, Klea todo landian sa IloiloLast Sunday and Monday ay umikot sa Iloilo City sina Jeric Gonzales at Klea Pineda para magpakilig ng mga fan at imbitahan silang manood ng “Magkaagaw”. Walang humpay ang hiyawan mula sa audience na pumunta sa SM City Iloilo. Sobrang tamis din ng mga Instagram photo ng dalawa na talaga namang inabangan din online! Magka-holding hands pa sila sa tinawag na City of Love habang naghahanap ng masarap na La Paz Batchoy.

Dahil nasarapan sa Batchoy ay bumili sila ng marami para iuwi sa Manila pero hindi sila nagtagumpay dahil bawal pala ang mga liquid na ikarga kahit sa baggage. Kaya nasayang lang at ipinamigay na lang nila sa airport.

Sa maikling panahon ay naging close and sweet ang dalawang bida ng “Magkaagaw”. Napakilig nila ang mga nag-aabang sa nasabing teleseserye. Very cooperative naman ang dalawa sa mga promo ng “Magkaagaw”.

Isang malaking hamon kay Jeric ang teleseryeng ito na magpapataas ng level niya bilang aktor. Kaya natutuwa kami sa aming alaga na sa maikling panahon mula nang tinulungan namin siyang maabot ang mga pangarap niya ay unti-unti na niya itong namimithi. Gayun pa man ay nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa ni Jeric.

Ken, Rita patok pa rin sa mga fan

Pinatunayan ng tambalan nina Rita Daniela at Ken Chan ang appeal nila sa masa dahil first episode pa lang ng teleserye nila ay agad itong nag-trending nationwide sa Twitter!

Tutok na tutok ang mga fan sa kanila, kaya umani ang official hashtag na #OneOfTheBaesPilot ng mahigit 29,000 tweets. Nagpasalamat naman ang buong team sa Instagram post sa nag-uumapaw na suporta ng mga fan.

Sunshine mabenta sa mga manonod

Shower of blessings kung ituring ni Sunshine Dizon ang nangyayari sa career niya ngayon.

Matapos bumida sa “Wagas”, heto at may kasunod agad na proyekto ang aktres, ang “Magkaagaw” kung saan siya ay gaganap bilang Laura, ang naging pangalawang asawa ni Mario (Alfred Vargas) at ina ni Clarisse (Klea Pineda).

“Sabi ko nga, I consider it a blessing that at my age, I’m still able to work and there’s still support from the fans,” sabi ni Sunshine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *