Jeric kakalabanin si Coco

Hindi maipaliwanag ng aming anak-anakan na si Jeric Gonzales ang nararamdaman niya nang dumalo siya sa story conference ng isang primetime teleserye sa GMA-7 kung saan siya ang lead actor.

The post Jeric kakalabanin si Coco appeared first on Abante News Online.

jeric kakalabanin si coco - Jeric kakalabanin si Coco
Jeric Gonzales 1 - Jeric kakalabanin si Coco

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jeric kakalabanin si CocoHindi maipaliwanag ng aming anak-anakan na si Jeric Gonzales ang nararamdaman niya nang dumalo siya sa story conference ng isang primetime teleserye sa GMA-7 kung saan siya ang lead actor. Ngayon lang kasi niya ma-raranasan na makatrabaho ang mga mala-laking artista na tinitingala niya gaya nina Eddie Gracia, Celia Rodriguez, at Christopher de Leon.

Kasama rin ang mga beteranong a­ktor na sina Roi Vinzon, Tonton Gutierrez, Victor Neri, Luz Valdez, Aubrey Miles at marami pang iba.

Sa mga kaedad niya ay sina Gabbi Garcia, Kristoffer Martin at Thea Tolentino ang kasama niya, at first time niyang maididirek ng action director na si Toto Natividad na noon ay director ng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Isang malaking hakbang at challenge kay Jeric ang bagong project na ito na magdadala sa malaking tagumpay ng kanyang career. Kaya sinabi niya sa akin na pagbubutihin niya ang trabaho niya at magpo-focus sa kanyang trabaho. Ngayon ay rigid training ang ginagawa niya bilang paghahanda sa bago niyang project.

Sa b­riefing sa story conference na presided by Ms. Camille Hermoso ay siniguro sa mga senior star na as much as possible ay ia-avoid nila ang mag-taping outside Metro Manila para hindi sila mahirapan.

Magkakaroon ng mga action training lalo na ang mga millennial na baguhan sa mga action scenes. Mag-uumpisa agad sila ng taping once maayos ang mga schedule ng mga artista.

Rocco manggugulo sa Iligan City

Makikigulo si Rocco Nacino sa gaganaping “The Clash” auditions sa Iligan City ngayong Biyernes, Mayo 31. Bukod sa mga hopeful singers na nais ipamalas ang kanilang talento sa pagkanta para sa “The Clash Season 2”, maaari ring makipagkulitan ang ating mga Kapuso na nais maka-meet and greet si Rocco sa Robinsons Place Iligan kasama rin siyempre ang “The Clash” alumnus na si Jong Madaliday.

Para naman sa mga interesadong mag-audition sa “The Clash”, kinakailangang sila ay 16 years old pataas, baguhan man o p­ropesyonal na mang-aawit at dalhin lamang ang kanilang 4R photo, birth certificate at minus one na aawitin sa audition.

Aicelle Santos nagka-award sa ‘Himala’

Mapa-lad na naiuwi ng K­apuso singer na si Aicelle Santos ang Outstanding Female Lead Performance in a Musical award para sa kanyang katangi-tanging pagganap bilang si Elsa sa “Himala, Isang Musikal” sa 11th Philstage Gawad Buhay na ginanap sa Onstage Thea-ter, Makati City.

Sa ilang taon nitong karera sa larangan ng musika at teatro, isa lamang ang para-ngal na ito sa mga prestihiyosong awards na natanggap na ni Aicelle. Kabilang ang talente­d Kapuso singer sa mga bigating pa-ngalan na masuwerteng nakasungkit ng gantimpala mula sa Gawad Buhay sa magkasunod na taon. Ginampanan ni Aicelle ang pamosong karakter ni Elsa na unang pinagbidahan ng Superstar na si Nora A­unor mula sa pelikula nitong “Himala” noong dekada 80. 

Sa Instagram post ni Aicelle, pinasala-matan nito ang mga bumuo ng produksyon pati na rin ang pagbibigay sa kanya ng ka-rakter ni Elsa.

“Ang gampanan si Elsa at maging bahagi ng produksyong punong-puno ng puso at pagmamahal, sa harap at likod ng entablado ay napakalaki ng tagumpay at karangalan. Dagdag biyaya na po ang mga parangal kagabi. PhilStage Gawad Buhay, maraming salamat!”

The post Jeric kakalabanin si Coco appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *