Jeric Gonzales, Klea Pineda super sweet sa Cebu

Umaapaw ang kilig vibes kina Klea Pineda at Jeric Gonzales na kasalukuyang nagte-taping sa Cebu. Makikita sa kanilang Instagram kung paano sinorpresa ni Jeric ng isang magarbong bouquet of roses si Klea.

jeric gonzales klea pineda super sweet sa cebu - Jeric Gonzales, Klea Pineda super sweet sa Cebu
jericxklea - Jeric Gonzales, Klea Pineda super sweet sa Cebu

Joe Barrameda Talbog 5 336x224 - Jeric Gonzales, Klea Pineda super sweet sa CebuUmaapaw ang kilig vibes kina Klea Pineda at Jeric Gonzales na kasalukuyang nagte-taping sa Cebu. Makikita sa kanilang Instagram kung paano sinorpresa ni Jeric ng isang magarbong bouquet of roses si Klea.

Bukod sa fresh na tambalang ito nina Klea at Jeric, mas mature at daring din ang mga roles na kanilang gagampanan sa pagbibidahang teleserye. Si Sheryl Cruz nga pala ang makakaagaw ni Klea kay Jeric sa teleserye nila. At kasama rin si Sunshine Dizon na paniguradong mas gagawing intense at exciting ang inyong mga hapon sa kanilang batuhan ng mga maaanghang na dialogues.

Jean Garcia puring-puri ng mga fan ni Alden

Puro papuri ang tinatamasa ngayon ng award-winning actress na si Jean Garcia dahil sa kanyang pagganap bilang ina ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa teleserye.

Marami nga akong kaibigan na taga LA na sumusubaybay sa teleserye na ito ni Alden, na puring puri si Jean. Promising nga talaga itong bagong inspirational drama ng Kapuso na unang episode pa lamang ay trending at puro positive feedback na ang nakukuha mula sa mga tagasubaybay.

Hinahangaan din ng karamihan sina Jean at TJ Trinidad sa kanilang ipinamalas na makatotohanan at nakakadalang pag-arte lalo na sa kanilang heavy drama scenes.

Sabi ng Twitter user na si Chrizel Lacson, “Salute to Ms Jean Garcia and TJ Trinidad! Ang galing ninyo na artista! You showed us the perfect performance as an artist.”

Habang say naman ng Instagram user na si Erma Bandiola, “Nakaka-dala ang iyak mo kagabi Nanay Nadia. Ang galing-galing mo talaga!”

Female stylist daig pa ang mga bakla sa pagchorva sa mga aktor

Naalala ko ang isang stylist nang makita namin ito sa isang teleserye. Nagbalik alaala sa amin nang may nagkuwento sa amin na ichinichismis niya ang mga nakakachorva niya na kesyo pineperahan lang siya ng mga aktor na nakakarelasyon niya.

Pero ang nakarating sa amin ay siya mismo ang nagshoshopping para sa mga nakakachorva niya at sinisilaw daw niya ang mga ito ng pera niya kada chorva. Tinatalbugan niya ang mga bading huh.

Matapos niyang matikman ang flavor of the month niya ay ichichismis na kesyo goldigger ang aktor na ginamit niya para makaraos. Kaloka di ba? Kaya winarningan ko mga alaga ko na mag-ingat kung ayaw nilang machismis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *