Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan

Habang halos lahat ng artista ay nasa bakasyon mode ay sa bahay lang nila sa Manila magpapalipas ng Mahal na Araw si Jeric Gonzales kasama ang mga magulang.

The post Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan appeared first on Abante News Online.

jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan - Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan
Jeric Gonzales - Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyanHabang halos lahat ng artista ay nasa bakasyon mode ay sa bahay lang nila sa Manila magpapalipas ng Mahal na Araw si Jeric Gonzales kasama ang mga magulang.

Hindi pa rin kasi maa­yos ang karamdaman ni Jeric kahit nadala na ito sa ospital. Nakatakda siyang sumailalim sa ilang series of test para malaman ng mga doktor kung anong diperensiya ng kanyang sikmura na madalas makaranas ng sakit.

Sana maayos agad ito nang makatrabaho siya nang maayos after Holy Week.

Gabby maalaga sa sarili

Feel na feel in Gabby Concepcion ang mga pro­ject na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Simula nang lumipat siya sa Kapuso ay magaganda ang nakukuha niyang projects na puro bagets na artista ang nakakatambal niya at mga kasama. Gayunpaman ay marami ang nanonood at tumututok sa mga teleserye niya na lahat ay may matataas na ratings.

Sa edad na 54 ay naalagaan ni Gabby ang sarili na napakasimpatiko at sa nakikita namin ay marami pang nahuhumaling sa kanya. Kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan siya ng mga babae mapabata o matanda. Ang lakas ng dating ni Gabo sa kanila.

Ngayon ay lead actor si Gabby sa “Love You Two” kung saan si Jennylyn Mercado ang katambal niya at ito ay magsisimulang umere sa Lunes, April 22 after “Sahaya.”

Direk Cathy hanga kay Alden

Sa unang linggo ng shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay nakitaan agad ng galing kung paano sila umatake sa role ng bawat isa na ikinatuwa ng direktor nilang si Cathy Garcia-Molina. Ayon Kay direk Cathy patungkol kay Alden, “‘Di ko pa napanood mga shows niya dati, pero first take pa lang namin, na­pahanga agad niya ako. Mahusay ang atake. Mata pa lang, nangungusap na. ‘Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo niya. At super bait na bata.”

‘Yan ang lagi naming sinasabi. Ang pagka-humble ni Alden kahit ang layo-layo na ng narating niya.

Nakatakdang bumalik si Alden dito sa Pilipinas for a day visit para sa pagbubukas ng McDo outlet niya sa Biñan, Laguna.

The post Jeric ayaw tantanan ng sakit sa tiyan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *