Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni Gabby

Madalas pala ay natutulala si Jerald Napoles kay Gabby Concepcion. Habang magkasama raw sila sa tent sa ta­ping ng ‘Love You Two’ ay nakatitig lang daw siya kay Gabby dahil naalala niya ang nanay niya na number one fan ni Gabby.

The post Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni Gabby appeared first on Abante News Online.

jerald napoles natulala sa kaguwapuhan ni gabby - Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni Gabby
jerald - Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni Gabby

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni GabbyMadalas pala ay natutulala si Jerald Napoles kay Gabby Concepcion. Habang magkasama raw sila sa tent sa ta­ping ng ‘Love You Two’ ay nakatitig lang daw siya kay Gabby dahil naalala niya ang nanay niya na number one fan ni Gabby.

Kung titingnan niya si Gabby ay bagets na bagets ang itsura na parang kaedad lang daw niya. Kaya hindi raw niya matawag itong tito.

Napakabait daw ni Gabby na ma­galing makisama at makisalamuha sa kanila. Hindi nito ipinaramdam na mas mataas ito sa kanila. Kaya masuwerte na rin daw si Jerald na makatrabaho si Gabby at take note, nagpa-video greetings pa siya kay Gabby para sa ina na siguradong ikakatuwa nito.

Naku, feeling ko ay nababading si Jerald kay Gabby, ha!

Mga Kapuso agawan sa ‘Descendants of the Sun’

Marami ang nag-aabang sa ‘Descendants of the Sun’ na maski ang mga artista ay na­ngangarap mapasama sa sikat na Koreanobela na gagawin ng GMA-7. Alam namin na nasa production stage na ito at may mga nakatoka na ngang artista pero hindi pa puwedeng i-reveal at baka mabago pa ito.

Alam naman natin na hanggang hindi gumigiling ang camera ay wala pang kasiguraduhan. Sabagay, ‘yung nakunan na nga on an early stage ay nababago pa rin.

The post Jerald Napoles natulala sa kaguwapuhan ni Gabby appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *