Jennylyn tinalakan mga laitero sa Twitter

Tulad ni Janella Salvador, pumalag din si Jennylyn Mercado sa mga netizen na walang ginawa kundi ang punahin ang itsura, katawan ng isang tao.

The post Jennylyn tinalakan mga laitero sa Twitter first appeared on Abante.

jennylyn tinalakan mga laitero sa twitter - Jennylyn tinalakan mga laitero sa Twitter
abante jen mercado 1 - Jennylyn tinalakan mga laitero sa Twitter

Tulad ni Janella Salvador, pumalag din si Jennylyn Mercado sa mga netizen na walang ginawa kundi ang punahin ang itsura, katawan ng isang tao.

Kung tutuusin, wala kang maipipintas sa katawan ni Jen, na bukod sa maganda nga siya, seksi pa at makinis. Pero, nalulungkot siya, at palaban din talaga kapag nakakabasa siya ng mga tweet na nilalait ng mga kalalakihan ang katawan ng isang babae.

Pero giit ng ibang netizen, ‘Kung ayaw mo mapuna, alagaan mo sarili mo ganun lang yun.’

Kaya si Jen, nakipaglaban talaga sa mahinahong paraan.

“Maling mentality. Unang-una, bakit kailangan may mapuna? Hindi ba dapat wala, to begin with? Unless someone asks you a question, don’t give unsolicited advice. Hindi ba natin kaya makipag-usap sa isa’t isa na walang punahan o judgment?

“What I’m saying is not everyone would like to be commented sa kanilang appearance. Nakakalungkot magbasa ng comments dito ng mga taong naapektuhan ang self esteem. It shouldn’t be the case. Haaay…

“It should stop. Physical appearance has nothing to do with the quality of the person… Haaay. Sensiya na bessies. Naiisip ko lang eto. Lalo na pag nababasa ko tweets ninyo…” sabi ni Jen.

Well… (Dondon Sermino)

The post Jennylyn tinalakan mga laitero sa Twitter first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *