Jennylyn takbuhan ng mga wasak ang puso

Mula sa pambabatikos sa gobyerno at sa sitwasyon ng Covid-19, ang pagiging counselor ng mga relasyon, o mala-love guru ang pinagtitripan namang pag-usapan ni Jennylyn Mercado.

jennylyn takbuhan ng mga wasak ang puso - Jennylyn takbuhan ng mga wasak ang puso
Jennylyn - Jennylyn takbuhan ng mga wasak ang puso

Mula sa pambabatikos sa gobyerno at sa sitwasyon ng Covid-19, ang pagiging counselor ng mga relasyon, o mala-love guru ang pinagtitripan namang pag-usapan ni Jennylyn Mercado.

Sunud-sunod ang paghingi ng advice sa kanya ng mga fan.

@ken_ni_Ta: “Bessie, anong say mo sa mga walang label pero “exclusive” sa isa’t-isa?”

Tugon ni Jennylyn: “Bessie…mahirap mapunta sa relasyong walang label. Para ka lang may business pero walang permit.”

“Idol pano kung c crush ay may mahal ng iba?” tanong ng isa.

Sagot ni Jen: “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Tandaan. Hindi ka sardinas.”

“Bessie share ko lang..,finally naka-move on na ako kay crush,” chika ng isang fan.

Reply ng aktres: “Oo nag-move on ka na, pero hindi naman naging kayo.”

Bongga siya, di ba? (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *