Jennylyn sumikat sa panlalait sa gobyerno

Lumalabas na mas tinatangkilik ng netizen si Jennylyn Mercado, ang mga patutsada o pasaring niya sa gobyerno, kesa ang mag-promote siya ng mga produktong ini-endorse niya, o mga teleserye at pelikula.

jennylyn sumikat sa panlalait sa gobyerno - Jennylyn sumikat sa panlalait sa gobyerno
jen 1 - Jennylyn sumikat sa panlalait sa gobyerno

Lumalabas na mas tinatangkilik ng netizen si Jennylyn Mercado, ang mga patutsada o pasaring niya sa gobyerno, kesa ang mag-promote siya ng mga produktong ini-endorse niya, o mga teleserye at pelikula.

Sa tweet ni Jennylyn na nag-imbita ito ng virtual convention ng beauty product, 820 lang ang nag-like at 25 lang ang nag-comment. Kumpara sa joke niya kay Sec. Harry Roque na natutulog ito sa SONa na humamig nang higit 37K like at 456 comment.

Kahit ang reaksyon niya sa mga lumabas na news break gaya ng balita tungkol sa utang na 9 trillion ng bansa, pumalo sa 24.7K ang like at 346 ang nag-comment.

Kailangan ni Jennylyn na maglabas ng kanyang mga maanghang na patutsada sa gobyerno para mapanatili nito ang kasikatan sa socmed. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *