Jennylyn sawsaw sa kasikatan ng mga ostrich

Ilan sa mga artista ang sumakay sa popularidad ng nag-trending na video ng dalawang ostrich na nakalabas at nagtatakbo sa isang private village sa Quezon City.

jennylyn sawsaw sa kasikatan ng mga ostrich - Jennylyn sawsaw sa kasikatan ng mga ostrich
abante jen mercado - Jennylyn sawsaw sa kasikatan ng mga ostrich

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Jennylyn sawsaw sa kasikatan ng mga ostrichIlan sa mga artista ang sumakay sa popularidad ng nag-trending na video ng dalawang ostrich na nakalabas at nagtatakbo sa isang private village sa Quezon City.

Ginamit ito ng ibang mga star para sa kanilang social media, at magbigay aliw na rin sa kanilang mga follower.

Ang komedyanteng si K Brosas ay nilapatan pa ng sariling boses ang video at ginamitan ng nakakaaliw na dialogue, na tumutukoy a MECQ at quarantine pass.

Ang mga monthly bills naman ang ginamit ni Jennylyn Mercado.

“Me pag nandyan na mga bayarin,” sey niya.

Ang pagbatikos muli sa gobyerno ang ginamit ni Jim Paredes gamit ang ostrich.

Tatay ni Ice may sakit na cancer

Cancer ang sakit ng ama ni Ice Seguerra, na ibinahagi niya sa Instagram na may larawang magkakasama sila ng ama, ina, kapatid, at kamag-anak.

Ayon kay Ice, naging daan ‘yon para magkabati – at magkapatawaran sila. Ikinunwento niya na naglabasan sila ng mga sama ng loob na matagal na raw nakatago, at nagkapatawaran din.

Sabi ni Ice, mas naging expressive sila sa kanilang mga nararamdaman sa ngayon at mas naunawaan nila ang sakit at pinagdadaanan ng bawat isa sa kanila.

John bibigyan ng trabaho ni Tulfo

Hindi natatapos sa pagbibigay ng pera ang tulong ni Raffy Tulfo kay John Regala. Pinag-iisipan na rin ni Raffy na gumawa ng anthology ng mga kaso at kuwentong naidulog na sa kanyang programa sa radyo at kuning artista si John.

Sa isang episode kung saan sumulpot ang umano’y isa pang anak ni John sa isang dating Pinay entertainer sa Japan na nagngangalang Vilma Santos, sinabi ni Raffy sa kanyang programa na gusto nyang gawan ng isang show ang lahat ng mga kuwentong dumaan sa kanyang programa.

Gagawin niyang regular actor si John at babayaran niya ito ng malaki.

Na-impress si Raffy kay John nang umarte ito sa kanyang programa matapos niya itong hilingan ng sample ng husay nito.

Kahit hirap sa paghinga at pagsasalita si John, naitawid nito nang mahusay ang pag-arte, dahilan para bumuo ng ideya si Raffy na mag-produce ng anthology.

Samantala, kasalukuyang nasa National Kidney Institute pa rin si John at paglabas ng item na ito nabigyan na marahil ito ng kuwarto.

Mukha ni Sharon binenta ng P15K

Hindi lang pagkain, accessories at iba pa ang pinu-promote ni Sharon Cuneta sa Instagram para tulungan ang mga online seller, kundi pati pintor na rin.

Ipinagmalaki ni Sharon ang portrait niya na nakabalandra sa kanyang IG, na ayon sa kanya ay gawa ng isang pintor (@junsartwork).

Nang makita ito ni Sharon, binili niya ito agad sa halagang P15K.

Bukod sa nagandahan si Sharon sa gawa ng pintor, gusto rin niyang tulungan ito na makabenta pa ng iba pa niyang obra.

Hinahanap ni Sharon ang larawan ng kanyang ina para ipagawa ito sa pintor.

Mga fan kinilig sa pagsirko ni Tony

Mas lalong nadagdagan ang pagmamahal ng mga fan ni Tony Labrusca sa video compilation ng kanyang gymnastic skills. Ni-retweet ni Tony ang video mula sa isang fan na nagpapakita ng galing niya sa floor exercise at summersault.

Mapapanood sa video ang pagsirko, pag-ikot ni Tony sa ere at parang walang anumang nag-landing sa rubber floor. Sumisigaw sa kilig sa mga comment ang mga tagahanga ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *