Jennylyn pinaglaruan si Roque

Matapos pagtripan ni Jennylyn Mercado sa Twitter si Spokesperson Harry Roque, binawi naman ito agad ng Kapuso star, at iginiit na ‘joke’ lang po ‘yon.

jennylyn pinaglaruan si roque - Jennylyn pinaglaruan si Roque
Jennylyn Mercado 1 - Jennylyn pinaglaruan si Roque

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 10 300x200 - Jennylyn pinaglaruan si RoqueMatapos pagtripan ni Jennylyn Mercado sa Twitter si Spokesperson Harry Roque, binawi naman ito agad ng Kapuso star, at iginiit na ‘joke’ lang po ‘yon.

Makikita sa Twitter ni Jennylyn ang larawan ni Roque na naka-facemask sa loob ng Batasang Pambasa. Nakalungayngay ng bahagya ang ulo nito na parang tulog. Kuha ‘yon sa SONA 2020 ni Pangulong Duterte.

At ginamit ni Jennylyn ‘yon para pasaringan si Roque.

“Goodnight bessies. Sana maging kasinghimbing ng tulog ni Sec. Roque ang tulog niyo. Sweet dreams everyone,” tweet ni Jen.

Pero, agad nga niyang binawi ang tweet na, “Joke lang Sec.! Fun Fun Fun lang hehehe.”

Kay Roque pa rin, super react na naman ang ilang mga celebrity sa statement niya tungkol sa COVID-19.

“Bagamat, 80,000 po ang ating total na kaso, and death rate ay wala pa pong 2,000. So, 2 percent lang po humigit kumulang sa ating case mortality rate. Ano pa ba naman ang gusto nyo?” sey ni Mr. Roque.

At isa nga sa unang nag-react ay si Alessandra de Rossi: “Paano ba to? Chill lang tayo. More hospitals nalang po? Kasi 95% capacity na lahat. Buhay naman…so more hospitals na lang. Kapit mga kapatid!”

“Downplayed it at the start. Didn’t close borders early enough, Lack of PPEs. Lack of proper measures for the prolonged lockdown. Still not enough testing, 83 total cases, Nearly 2k deaths. Ano pa ba ang gusto namin? Plano at solusyon! Hindi death penalty. Telco, at Dolphins!” sey ni Jake Ejercito.

Tony hubo’t hubad sa Batangas

Nabulabog ang mga natatakam, naglalaway sa kakisigan ni Tony Labrusca sa pinasilip niyang puwet sa Instagram. Pinoste niya ang larawan niyang nakatalikod habang nakalublob sa pool sa Batangas.

Malinaw ang tubig sa pool kaya namang malayang nabosohan ang aktor ng kanyang mga fan, supporter. Gumalaw nga lang ang tubig kaya hindi nasilip ng marami ang ari nito sa nakatagilid na anggulo nito.

Magkagayon pa man, nagdulot ito ng pananabik at pagnanasa sa mga fan ni Tony na nagkasya na lamang na pagtansyahan siya sa isip, sa kung ano ang itsura ni ‘junjun’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *