Jennylyn palaging tulala kay Gabby

Hirap man dahil sa Luneta area ang regular location, tuloy-tuloy na ang taping ng bagong Kapuso rom-com series na “Love You Two.” Pagbibidahan ito nina Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at Gabby Concepcion.

The post Jennylyn palaging tulala kay Gabby appeared first on Abante News Online.

jennylyn palaging tulala kay gabby - Jennylyn palaging tulala kay Gabby
jen - Jennylyn palaging tulala kay Gabby

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jennylyn palaging tulala kay GabbyHirap man dahil sa Luneta area ang regular location, tuloy-tuloy na ang taping ng bagong Kapuso rom-com series na “Love You Two.” Pagbibidahan ito nina Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at Gabby Concepcion.

Masaya si Jen na makatrabaho sina Shaira, Jerald Napoles, Kiray at iba pang Kapuso stars. Lalong na-excite si Jen tuwing taping dahil katrabaho niya si Gabby na leading man niya sa serye.

Ayon kay Jen, dati ay pinapanood lang niya si Gabby pero ngayon ay katrabaho na niya ang kanyang idolo. Kaya hindi maiwasan na palagi siyang natutulala sa harap nito.

Nakaka-relate nga si Jen sa role niya sa serye dahil sa totoong buhay siya rin ang nagtataguyod sa kanyang pamilya na katulad ng sitwasyon ni Raffy sa “Love You Two.” Alam ko third week ito ng April or after Holy week ito magsisimula kapalit ng “TODA” nina Ruru Madrid at Kylie Padilla.

Migo na-trauma sa pagkakakulong

Sinasaluduhan namin ang pag-ako at paghingi ng sorry ni Migo Adecer sa mga kaso at insidenteng kinasasangkutan niya na umingay ng dalawang araw sa mga pahayagan at social media.

Hindi sukat akalain na mararanasan niya ang makulong kahit magdamag sa isang Philippine jail na alam naman ng lahat kung gaano kasikip at karumi. Mabuti na lang may mabait siyang ma­nager na full of compassion na nagtiyaga at binantayan ang alaga habang nasa presinto ito ng Makati na para siyang nag-trip to Jerusalem bago niya na­hanap ang alaga.

Gutom na gutom at uhaw na uhaw daw si Migo na hindi pinakain ng mga pulis doon.

Kaya nang makalabas daw si Migo at nakasakay na sa kotse ay dun daw ito bumigay at bumuhos ng iyak sa naranasang ordeal. Isang malaking dahilan na hindi na namin sasabihin ang nakadagdag sa pighati ni Migo. Malaking aral sana ito sa kanya at wake up call na rin sa kanya na maging responsable at marami nang tumitingala sa kanya. Sa katunayan, sa kinasangkutang gulo ay maraming nakakilala sa kanya at lalo pang sumikat ito. Kaya back to work si Migo. Nag-iisa lang itong namumuhay dito dahil nasa Australia ang mga magulang at kapatid. Iyak nang iyak nga daw ang ina nang makarating sa kanila ang balita.

The post Jennylyn palaging tulala kay Gabby appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *