Jennylyn nilampaso sa kasikatan sina Ryza, Jackie, Kris Bernal

Kahit na hindi nakarating si Jennylyn Mercado sa media launch ng “StarStruck Season 7” kunsaan kasama niya si Dingdong Dantes bilang host, nagpadala naman ito ng video message.

The post Jennylyn nilampaso sa kasikatan sina Ryza, Jackie, Kris Bernal appeared first on Abante News Online.

jennylyn nilampaso sa kasikatan sina ryza jackie kris bernal - Jennylyn nilampaso sa kasikatan sina Ryza, Jackie, Kris Bernal
jen 1 - Jennylyn nilampaso sa kasikatan sina Ryza, Jackie, Kris Bernal

Kahit na hindi nakarating si Jennylyn Mercado sa media launch ng “StarStruck Season 7” kunsaan kasama niya si Dingdong Dantes bilang host, nagpadala naman ito ng video message.

Nag-sorry si Jen dahil hindi pa raw tapos ang taping niya ng “Love You Two” kaya wala siya sa media launch pero nagpaabot siya ng mensahe para sa mga contestant ng “StarStruck 7”.

Si Jennylyn nga ang kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng first “StarStruck” noong 2003. 15 years na ang nakalipas pero aktibo pa rin si Jen at maging ang ibang ka-batch niya sa “StarStruck” na sina Mark Herras, Yas­mien Kurdi, Katrina Halili, Dion Ignacio, Sheena Halili, Jade Lopez at Cristine Reyes.

‘Yung iba namang ka-batch nila na sina Nadine Samonte, Rainier Castillo, Anton dela Paz, Alvin Aragon at Christian Esteban ay hindi priority sa nga­yon ang showbiz.

Ang ka-batch nilang si Tyron Perez ay sumakabilang-buhay naman noong 2011.
Anyway, malaki nga raw ang nabago sa buhay ni Jen noong manalo siya sa “StarStruck”. Nahubog siya bilang isang TV host, celebrity endorser, award-winning actress at pati na ang maging isang ina.

Heto ang mensahe ni Jen:
“It’s been 15 years simula nang nanalo ako ng unang season. Grabe ang tagal na pala ‘no? Pero habang buhay po akong magpapasalamat sa StarStruck dahil nabago po nang lubusan ang buhay ko.

“Dahil sa StarStruck, na-reach ko ‘yung dreams ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko kaya excited na ako sa bagong season dahil marami na namang mga kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon na matupad ang pangarap nila na maging artista.

“Hindi po madali ang StarStruck. Lahat ng emosyon mararamdaman diyan.
Marami, may saya, may lungkot, may doubt, may kilig at marami pang iba.

“Sa mga bagong batch ng hopefuls nasa tagline na ng show ang mga kailangang tandaan para sa kanilang artista journey. Just believe in the power of your dreams to survive StarStruck.”

Sa lahat ng mga nanalong Ultimate Female Survivor ng StarStruck, si Jen pa rin ang pinakasikat at hinahangaan.

Ang ibang winners tulad nila Ryza Cenon, Jackie Rice, Jewel Mische, Kris Bernal, Sarah Lahbati at Klea Pineda ay hindi pa narating ang mga naabot na ni Jen. (Ruel Mendoza)

The post Jennylyn nilampaso sa kasikatan sina Ryza, Jackie, Kris Bernal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *