Jennylyn, Jake, Frankie super talak kay Villar

Nag-top 1 trending sa Twitter si Senator Cynthia Villar dahil sa naging stand niya against the request of medical frontliners na magkaroon muna ng time-out or break kahit dalawang Linggo at isailalim muli sa ECQ ang Greater Manila Area.

jennylyn jake frankie super talak kay villar - Jennylyn, Jake, Frankie super talak kay Villar
Jennylyn Jake Frankie villa - Jennylyn, Jake, Frankie super talak kay Villar

Nag-top 1 trending sa Twitter si Senator Cynthia Villar dahil sa naging stand niya against the request of medical frontliners na magkaroon muna ng time-out or break kahit dalawang Linggo at isailalim muli sa ECQ ang Greater Manila Area.

Bukod sa pagti-trending nang nanalong Number 1 Senator last election, sunod-sunod rin na nag-tweet/ nag-post sa kanilang social media ang ilan sa mga artista bilang response sa tingin ng iba ay “walang puso” at “walang awa” raw na Senator, lalo na at bukod sa pagiging Senator ay ina at lola rin ito.

Ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ay nag-tweet nang, “Sen, with all due respect po, you don’t get to comment about the work na ginagawa ng ating medical frontliners until you are able to experience what it’s like to be in their shoes. Sen…Be better because our Heroes Deserve better.”

Nag-react din ang mga Kapamilya tulad ni Jake Cuenca na, “Maam wag natin baliwalain ang trabahong ginagawa ng mga health care workers natin, sila nga ang nag bubuwis buhay para satin lahat ngayon pandemia. Dapat silang pasalamatan.

“Give our health care worker/frontliners what they need. Their needs should be prioritized.”

At si Frankie Pangilinan, in bold letter ay nag-tweet ito nang, “Subukan nyo kaya maging mga frontliner grabe.”

At sabi pa rin niya, “nanganganib na nga ang mga buhay nila araw araw??? at nagtatrabaho pa rin sila upang alagaan at protektahan tayong lahat???? siguradong pagod na pagod na nga sila sa pandemya mas lalo pa silang pagod na pagod sa imbalidasyon ng kanilang katapangan.”

At maging si Carmina Villarroel na napakadalang lang mag-post or mag-share ng mga political views niya ay napa-post sa kanyang Facebook account nang, “So ano ito? Choose one? Either mamatay sa Covid or mamatay sa gutom? Hmmmm….” (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *