Jennylyn ‘di kasama ni Dingdong sa taping ng ‘DOTS’

Matapos ang kanilang intensive military training sa Nueva Ecija, nagsimula na ngang mag-taping ang cast ng “Descendants of the Sun” na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

jennylyn di kasama ni dingdong sa taping ng dots - Jennylyn ‘di kasama ni Dingdong sa taping ng ‘DOTS’
ABANTE dong - Jennylyn ‘di kasama ni Dingdong sa taping ng ‘DOTS’

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jennylyn ‘di kasama ni Dingdong sa taping ng ‘DOTS’Matapos ang kanilang intensive military training sa Nueva Ecija, nagsimula na ngang mag-taping ang cast ng “Descendants of the Sun” na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Pinasilip ni Dingdong kasama sina Rocco Nacino at Paul Salas ang ilang eksena sa kanilang first taping day sa Instagram. Ipinakita rin ni Rocco ang kanyang magiging look at isang po-pular scene sa Korean series.

Excited na ang lahat sa Pinoy adaptation ng “Descendants of the Sun” sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

Masaya ang kinalabasan ng first t­aping day nila rito sa Manila. Kahit umuulan ay hindi ito naging dahilan para maantala ang unang araw ng kanilang taping.

Palaisipan pa rin kung makakasama si Jennylyn Mercado dito gayung namamayagpag ang “Love You Two” na baka ma-extend ito nang bonggang bongga. Kaya tignan natin kung mahihintay nila si Jen o kumuha ng iba.

Manilyn-Jake duet naka-4M view na

Bongga si Jake Vargas, huh! Mukhang matutuwa si Kuya Germs kung saan man siya naroroon. Kasi viral ngayon ang duet ng “Pepito Manaloto” stars na sina Jake at Manilyn Reynes sa kantang “Suddenly”.

As of this writing, pumalo na sa mahigit four million views ang video nito na in-upload nila sa Facebook. Kinagiliwan ito ng mga netizen dahil ang sarap daw nila pakinggan at panuorin.

Siyempre, hindi matatawaran ang husay sa pagkanta ni Manilyn at maging si Jake na mahilig din sa musika.

Samantala, full support din ang buong “Pepito Manaloto” family sa directorial debut ni Michael V na “Family History” na nasa second week showing in cinemas nationwide.

Jessica Soho bumilib kay Bitoy

Overwhelmed ang multi-awarded comedian na si Michael V sa lahat ng positive feedback na kanyang natatanggap para sa “Family History”. Sa katunayan, hindi nagpahuli ang award-winning news personality na si Jessica Soho sa mga nakapanood ng pelikula at pumuri sa directorial debut ni Bitoy.

Ayon sa Kapuso host, ‘KMJS approved’ ang “Family History”. “Kung naghahanap kayo ng pelikulang magbibigay sa inyo ng roller coaster of emotions, ito ‘yun (46 times pa)! Sugod na sa sinehan, mga Kapuso!” ani Jessica.

Kasama pa niyang nanood ng pinag-uusapang pelikula ang KMJS team niya na todo suporta sa joint-project of GMA Pictures and Mic Test Entertainment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *