Jennylyn, Dennis nagpanggap na mga bulag

Agaw eksena ang ginawang pagpapanggap at paghaharana bilang mga ‘blind singer’ ng mga sikat na personalidad na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa LRT-1 Roosevelt Station kamakailan.

jennylyn dennis nagpanggap na mga bulag - Jennylyn, Dennis nagpanggap na mga bulag
abante Jennylyn - Jennylyn, Dennis nagpanggap na mga bulag

Namalimos para sa mga PWD:

Agaw eksena ang ginawang pagpapanggap at paghaharana bilang mga ‘blind singer’ ng mga sikat na personalidad na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa LRT-1 Roosevelt Station kamakailan.

Labis ang pasasalamat ng may mga kapansanan o Persons With Disability (PWD) sa dalawang ito dahil ang kanilang mga nalikom mula sa pag-awit ay ipinagkaloob nila sa mga PWD.

Ginawa nga nila ang pagpapanggap bilang mga ‘blind s­inger’ upang matulungan na makaipon ng mas maraming pera ang mga naturang PWD.

Marami ang bumilib sa ginawa ng dalawa, maski nga ang mga hindi karaniwang nagbibigay ay natunaw ang puso at nagbigay rin talaga.

Bihira kasi sa mga sikat na personalidad ang may oras pa para gawin ang ganoong bagay kaya naman sobra sobra ang pagpapahalaga ng mga PWD at iba pang mga fan sa ginawa nina Jennyyn at Dennis para sa araw na iyon. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *