Jennifer Lopez pasabog ang eksena sa Times Square

Hindi nagpaawat si Jennifer Lopez kahit may balitang bagong strain ng COVID-19 para mag-perform siya sa Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve with Ryan Seacrest sa Times Square in New York noong Dec. 31.

The post Jennifer Lopez pasabog ang eksena sa Times Square first appeared on Abante.

jennifer lopez pasabog ang eksena sa times square - Jennifer Lopez pasabog ang eksena sa Times Square
jlo - Jennifer Lopez pasabog ang eksena sa Times Square

Hindi nagpaawat si Jennifer Lopez kahit may balitang bagong strain ng COVID-19 para mag-perform siya sa Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve with Ryan Seacrest sa Times Square in New York noong Dec. 31.

Sa pinalabas na video bago siya umentra sa stage ng Times Square, pinakitang sakay si J.Lo ng subway suot ang baby blue, Cinderella-inspired ball gown. Paglabas nito sa stage, mala-Christmas tree ang suot niyang snow white, feathery, Valentino Couture coat at may suot siyang diamond-encrusted face cage.

Inawit ni J.Lo ang song na “In the Morning.”

Noong hubarin niya ang coat, napanganga ang mga nanonood sa livestream dahil kumislap ang buong paligid dahil sa suot niyang sparkly Balmain suit with matching low-cut, super-sparkly, skintight bodysuit, designed by Olivier Rousteing.

After ng kanyang performance sa New Year’s Rockin’ Eve, nag-host ng “virtual after-party” si J.Lo “to wash away 2020 and celebrate a new year full of hope, health, happiness, and limitless possibilities.”

The special Zoom event officially launched JLo Beauty skincare line. (Ruel Mendoza)

The post Jennifer Lopez pasabog ang eksena sa Times Square first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *