Jean Garcia nahuhumaling sa Koreano

Sumakay sa bandwagon ng mga nahuhumaling sa mga Korean star si Jean Garcia. Kabilang ang seasoned-award winning actress sa maraming millennial na sumugod sa New Frontier nu’ng Sabado para panoorin ang fan-meet ni Jung Hae In.

jean garcia nahuhumaling sa koreano - Jean Garcia nahuhumaling sa Koreano
jean 3 - Jean Garcia nahuhumaling sa Koreano

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 18 336x224 - Jean Garcia nahuhumaling sa KoreanoSumakay sa bandwagon ng mga nahuhumaling sa mga Korean star si Jean Garcia. Kabilang ang seasoned-award winning actress sa maraming millennial na sumugod sa New Frontier nu’ng Sabado para panoorin ang fan-meet ni Jung Hae In.

Nalaman namin sa PR o public relations ng live show na si Grace Foronda, nanonood daw si Jean, at kasama pa nito ang ilang mga executive ng Kapuso network.

Naka-post naman sa kanyang Instagram ang video ng panonood niya kay Jung Hae In, katabi pa ang entertainment news reporter na si Aubrey Carampel.

In fairness, mukhang hindi pa Tita si Jean sa itsura niya sa show. Papasa pa siyang kaedad ng mga millennial sa ayos niya.

Ilan lang si Jean sa mga middle-aged na dumating sa fan meet. May namataan pa kaming may edad na nasa wheelchair pa.

Rocco handang sumabak sa giyera

Kina-career ni Rocco Nacino ang pagpasok niya sa military dahil sa Philippine Navy naman siya nagti-training ngayon.

Hindi na para sa serye niya sa GMA-7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, ang rason ng pagbabalik ni Rocco sa military training, ‘yun ay dahil sa pagnanais niyang maging well-equipped reservist.

Sa nauna niyang post sa pagbisita sa opisina na AFP para tanggapin ang certificate ng pagiging reservist niya, sinabi ni Rocco na gusto niyang tumulong sa medical group sa military at ma-practice ang lisensya niya sa pagiging nurse.

Pero sa ginagawang training ngayon ni Rocco sa Phil. Navy, puwede rin itong isabak sa bakbakan kapag naipadala sa giyera.

Kabilang na si Rocco sa mga artistang sina Gerald Anderson, Matteo Guidicelli at Robin Padilla na seryoso sa pagpasok nila sa military.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *