Jean Garcia gustong makipagromansahan sa bagets

Game si Jean Garcia na gumawa ng nauuso ngayon na May-December Affair
film.

jean garcia gustong makipagromansahan sa bagets - Jean Garcia gustong makipagromansahan sa bagets
jean 1 - Jean Garcia gustong makipagromansahan sa bagets

Game si Jean Garcia na gumawa ng nauuso ngayon na May-December Affair
film.

Hindi pa raw kasi nagagawa ni Jean ang gano’ng klaseng pelikula kaya interesado siyang gawin ito kung may mag-offer sa kanya.

“Open ako sa anything na hindi ko pa nagagawa. Pinag-uusapan naman namin
‘yan ni Direk Manny (Valera, her manager). Kung ano pa ba ang roles na hindi ko pa nagagawa. Magiging challenge sa akin iyon.

“Ngayon kasi, uso sa mga actresses sa age bracket ko ang gumawa ng film na
ang tema ay May-December. Bakit naman hindi kasi kung maganda ba ang script, magaling ang artistang makakasama ko at mahysay ang direktor, hindi ako tatanggi,” sey ni Jean.

So willing pala siyang makipag-love scene sa lalakeng mas bata sa kanya?
“Para sa movie, yes. Trabaho naman yun, eh. Para ipakita na rin na I still have it!” malakas na tawa pa ni Jean na kasama sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na The Gift.

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *