Jean Garcia binansagang Angelina Jolie ng ‘Pinas

Kinakabahan pero masayang-masaya ang actress na si Jean Garcia sa kinalabasan ng pelikula niyang “Watch Me Kill” na isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

jean garcia binansagang angelina jolie ng pinas - Jean Garcia binansagang Angelina Jolie ng ‘Pinas
jean 2 - Jean Garcia binansagang Angelina Jolie ng ‘Pinas

Kinakabahan pero masayang-masaya ang actress na si Jean Garcia sa kinalabasan ng pelikula niyang “Watch Me Kill” na isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Tinawag pa ng co-star niya sa movie na si Jay Manalo si Jean na Angelina Jolie of the Philippines daw.

Bukas na mapapanood nationwide ang lahat ng movies na nakapasok sa PPP. At sa part ni Jean, espesyal talaga sa kanya ang “Watch Me Kill” dahil ngayon lang daw niya ginawa ang mga eksena sa movie bilang isang hired killer.

Kumpara rin sa digital cam ang ginamit, 16mm ang ginamit sa movie nila.

“‘Yung mga millennial, gusto kong ma-appreciate nila kung bakit kami gumamit using 16mm film.”

Nagkaroon ng premiere night sa Trinoma ang “Watch Me Kill” na dinaluhan ni Jean, Jay at iba pang cast. At dito nga namin nakitang kakaibang Jean Garcia ang mapapanood talaga sa kanya.

Puwede rin siyang maging mahigpit na kalaban ng ibang aktres na kalahok sa PPP for Best Actress. Nandoon ang expectation?

“Naku, siyempre, kung sakali man, ‘yun ‘yung bonus na po.”

Sinuportahan din si Jean nina Rita Avila at ng anak niya na si Jennica Garcia sa premiere night. Kaya tinanong namin ito kung inimbitahan din ang “anak” niya sa bagong primetime series na “The Gift” na si Alden Richards.

Sey niya, “Oo, kaya lang ang daming ginagawa. Kahit naman ako, ‘yung ‘The Gift’, sa September 16 then ito halo-halo na nga kung ano ang pupuntahan.

“I told him kaso very, very busy and ako naman, I respect dahil lahat naman tayong artista, talagang very busy sa schedule.”

Ang “Watch Me Kill” ay isang psychological thriller/action drama na sinulat at dinirek ni Tyronne Arcieto under VIVA Films. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *