Jason natulala sa regalo ni Melai

Si Jason Francisco na ang pinakamasuwerteng mister sa balat ng lupa sa panahon ngayon dahil niregaluhan lang naman siya ng asawa niyang si Melai Cantiveros ng isang brand new pick up car.

The post Jason natulala sa regalo ni Melai first appeared on Abante.

jason natulala sa regalo ni melai - Jason natulala sa regalo ni Melai
abante jason melai - Jason natulala sa regalo ni Melai

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - Jason natulala sa regalo ni MelaiSi Jason Francisco na ang pinakamasuwerteng mister sa balat ng lupa sa panahon ngayon dahil niregaluhan lang naman siya ng asawa niyang si Melai Cantiveros ng isang brand new pick up car.

Nagkakahalaga nang hindi bababa sa P1.5M ang halaga ng sasakyan na makikita sa YouTube post ni Melai, na may plastic pa ang mga upuan nito.

Surprised gift ito ni Melai kay Jason nitong nakaraang holiday season.

Inumpisahan muna ni Melai sa vlog ang pagtatanong sa asawa, kung ano ang gift na gusto nitong matanggap.

Kung anu-ano ang naging sagot ni Jason na “wala, ikaw lang sapat na,” “mas gusto kong ako ang nagbibigay ng gift.”

Habang nagpi-picture taking si Jason kasama ang ibang tao sa isang bahay, biglang dumating ang sasakyan at inabot sa kanya ng dealer ang susi ng car.

Halos hindi makapagsalita si Jason sa mga sumunod na minuto. Kaya masuwerte talaga si Jason.

Lumalabas na kahit mahirap ang buhay, hindi siya natiis ng misis niya at niregaluhan siya ng mamahaling sasakyan.

Anak ni Sunshine Cruz sumabak na sa showbiz

Balik trabaho na si Ellen Adarna sa TV. Kasama ni Ellen si John Estrada sa “John En Ellen”.

Si Sunshine Cruz ang nagbalita tungkol dito nang iposte niya sa Instagram ang larawan nila ng anak na si Angelina. Sinabi nitong sasabak sa lock in taping ang kanyang dalaga sa show nina John at Ellen.

Hindi na dinitalye pa ni Sunshine ang show na nabanggit dahil mas nag-focus siya sa tuluyang pagpasok ni Angelina sa showbiz, gaya ng pagiging semi-regular na nito sa ASAP.

Nakatapos na rin ito ng isang series para sa iWantTFC at member na rin ito ng The Squad Plus.

Morissette bumili ng bahay

Nagbunga na rin ang pagbirit ni Morissette na halos ipakapatid ng kanyang mga litid sa bawat pag-awit niya. Meron na ngang sariling bahay ang singer na masisilip sa Instagram.

Kulay puti ang interior ng bahay na dalawang palapag.

Dream House ang turing ng Kapamilya singer sa kanyang bahay.

The post Jason natulala sa regalo ni Melai first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *