Jasmine 8 beses nakipaglaplapan kay Ruru

Nakatikim si Jasmine Curtis Smith ng una niyang mainstream movie, ang “Cara X Jagger”, mula sa APT at Cignal Entertainment after doing indie films gaya ng “Transit”, “Dementia”.

jasmine 8 beses nakipaglaplapan kay ruru - Jasmine 8 beses nakipaglaplapan kay Ruru
jasmine 2 - Jasmine 8 beses nakipaglaplapan kay Ruru

Nakatikim si Jasmine Curtis Smith ng una niyang mainstream movie, ang “Cara X Jagger”, mula sa APT at Cignal Entertainment after doing indie films gaya ng “Transit”, “Dementia”.

Si Ruru Madrid ang kapareha ni Jasmine, na aminadong crush siya.

“Umamin naman siya sa harap ko! Ha! Ha! Ha!” saad ni Jasmine sa pocket interview niya.

“Thankful of course for the adoration. Ganda. Natuwa ako at kasama ko siya. Kung gaano ako ka-invested sa pagganap bilang Cara, siya rin bilang Jagger. Gusto niyang mapantayan ‘yon. Nakikita ko ‘yung dedication niya.

“Mahilig siyang makipagkulitan. Mahilig siyang magpabango! Ha! Ha! Ha! Bago siya lumabas ng tent, lagi siyang nagpapabango,” dagdag ni Jasmine.

Wala naman daw siyang masyadong reaksyon nang malamang crush siya ng leading man.

“I am very much happy with my relationship. So when it comes to him, it’s just really friendship. Kasi nababara ko siya. He’s younger than me. He’s 21 and I’m 25. Four years lang naman. Good vibes lang naman ang friendship namin,” katwiran ni Jasmine.

Meron silang walong kissing scene ni Ruru.

“But’s its’ not something torrid. It’s done with good taste. Carefully done rin siya para when it hits the audience eh maganda,” tugon ng aktres.

Eh sa interview naman kay Ruru, sinabi niya tungkol sa kissing scene nila, “Kung ang mata ay nangungusap, ang labi naman ni Jasmine ay nangungusap sa kissing scene namin!”

Eh sa ilang videos ng dalawa, sang-ayon ang press na nagliliyab sa screen ang chemistry nina Jasmine at Ruru, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *