Janno ‘sinapian’ ni Manoy

Nagawan na ng paraan ng Viva Films na lapatan ng boses ang mga dialogue ng yumaong si Eddie Garcia sa mga eksena nito sa lalabas na reunion movie project nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., ang “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo”.

janno sinapian ni manoy - Janno ‘sinapian’ ni Manoy
ABANTE janno - Janno ‘sinapian’ ni Manoy

Nagawan na ng paraan ng Viva Films na lapatan ng boses ang mga dialogue ng yumaong si Eddie Garcia sa mga eksena nito sa lalabas na reunion movie project nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., ang “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo”.

Naka-post sa Instagram ni Janno ang video ng pagda-dub niya sa eksena ni Andrew na may kausap ito sa telepono. Supposedly, kausap nito sa kabilang linya si Eddie na may cameo role sa kanilang pelikula.

Maririnig ang boses ni Janno na kasingtunog ng boses ni Eddie.

Ang singer-comedian na ang nagda-dub ng speaking part ni Manoy sa movie nila. Hindi na magagawa pang kumpletuhin ni Eddie ang parte niya sa pelikula dahil sa kanyang pagkamatay.

In fairness, gayang-gaya ni Janno ang boses ni Eddie, pati na ang mga hagod ng veteran actor sa bawat salita nito. Para nga itong sinapian ng beteranong aktor. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *