Janine, Rayver super lantad ng relasyon sa Italy

Nasa Paris, France ngayon si Janine Gutierrez at ipinadala siya roon ng isang brand na ine-endorse niya. Magkakalapit lang naman ang mga bansa sa Europe, kaya may pinost siya sa kanyang Instagram na video kung saan ay kasama niya sa Italy si Rayver Cruz.

janine rayver super lantad ng relasyon sa italy - Janine, Rayver super lantad ng relasyon sa Italy
rayver x janine - Janine, Rayver super lantad ng relasyon sa Italy

Jun Lalin Anything Goes 14 336x224 - Janine, Rayver super lantad ng relasyon sa ItalyNasa Paris, France ngayon si Janine Gutierrez at ipinadala siya roon ng isang brand na ine-endorse niya. Magkakalapit lang naman ang mga bansa sa Europe, kaya may pinost siya sa kanyang Instagram na video kung saan ay kasama niya sa Italy si Rayver Cruz.

Tinext ko si Janine, “Wow ang bongga kasama mo si Rayver sa Italy,” na ang reply niya ay “Yesss” with smiley emoji.

Ang bongga! Pagbalik kaya nila ng bansa ay magkaroon na ng label ang closeness nilang dalawa?

Sa isang interview kasi ni Janine ay nasabi niya na wala pa talagang label ang closeness nila ni Rayver.

Anyway, noong Saturday, nang makita ko ang tatay ni Janine, si Ramon Christopher ay biniro ko siya na ang bongga at magkasama ang kanyang dalaga at si Rayver sa Europe.

Eh, matipid ding sumagot at yes lang ang sinabi niya.

Hindi rin kasi palakuwento si Monching, kaya hindi ko na siya inusisa pa.

Anak nina Tonton, Glydel eeksena sa MMFF

Sa party ni Aria Gutierrez na panganay na anak nina Elvis at Alexa Gutierrez ko nakatsikahan si Monching. Kasama namin sa table ang mag-amang Tonton at Aneeza Gutierrez.

Biniro ko si Aneeza na kahit tatahi-tahimik siya ay nakatapos na pala siya ng pelikula, ang “Jolly Spirit Squad” na intended para sa Metro Manila Film Festival 2019 (sasali sila sa finished product category).

Try lang daw ang pelikula.

Sabi mismo ni Tonton, hindi tuluyang mag-aartista si Aneeza.

Kapag puwede lang daw dahil gusto nila ni Glydel na makatapos muna ng studies si Aneeza na Grade 10 na ngayon.

Gustong mag-doktor ni Aneeza at kung sakaling tuluyang mag-aartista ito ay gusto ni Tonton na parang si Janine ang anak na nagtapos din muna ng studies bago nagpaka-active sa showbiz.

During Aria’s birthday party nga pala nalaman ng lolo ni Aneeza na si Eddie Gutierrez na may pelikula na ang apo, kaya kinongratulate niya ang panganay ni Tonton.

“Welcome to the club,” sabi ni Tito Eddie sa apo.

Lorin, Venice pinaliguan ng alahas ni Annabelle

‘Kaloka, parang ginawa talaga ni Lorin Gutierrez ang lahat ng paraan para gumaling kaagad noong Saturday dahil nagulat ako nang kasa-kasama siya ni Venice Gutierrez sa birthday party ni Aria, huh!

Tama nga si Ruffa Gutierrez na gustong um-attend ni Lorin sa birthday party ng pinsan.

At after nga no’n ay pupunta rin daw si Lorin sa debut party ni Angelina Cruz, panganay na anak ni Sunshine Cruz. Sabi ko kay Ruffa, sana hindi mabinat si Lorin.

“Ayaw niyang ma-miss ang party ni Angelina, kaya she’s going with Venice,” sey ni Ruffa.

Ang lolang si Annabelle Rama naman, after the party of Aria ay umuwi kaagad dahil kailangan daw niyang pahiramin ng mga jewelry ang mga apo para sa pupuntahang debut party.

Kung noon ay ang mga anak ang pinagkakaabalahan ni Bisaya, ngayon ay sobrang tutok na siya sa mga apo, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *