Janine, Rayver nangangamoy hiwalayan

Hindi na bago ang isyu na lalayasan na ni Janine Gutierrez ang GMA-7. Original Kapuso si Janine simula nang pasukin niya ang showbiz, 9- years ago na.

The post Janine, Rayver nangangamoy hiwalayan first appeared on Abante.

janine rayver nangangamoy hiwalayan - Janine, Rayver nangangamoy hiwalayan
abante janine 1 - Janine, Rayver nangangamoy hiwalayan

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 2 300x180 - Janine, Rayver nangangamoy hiwalayanHindi na bago ang isyu na lalayasan na ni Janine Gutierrez ang GMA-7. Original Kapuso si Janine simula nang pasukin niya ang showbiz, 9- years ago na.

Bago yung huling kontrata ni Janine sa GMA-7 na nag-expire na nga, ganito rin, maingay rin ang balitang lilipat ng ABS-CBN ang actress. Pero hindi ito natuloy that time. At nakasama na rin nga sa Kapuso network ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

This time, tuloy na.

Ang mga banner story, Janine leaves GMA-7 at lilipat na nga raw sa Kapamilya pero gustong klaruhin ng source namin, mali raw sabihin na iniwan ni Janine ang GMA dahil in reality, hindi na raw ni-renew ng network ang kontrata nito.

Sa totoo lang, dalawang bagay ang pinagtatakhan namin. Mabango ang pangalan ni Janine ngayon dahil sa sunod-sunod na panalo niya ng Best Actress award, homegrown talent si Janine ng GMA, ano’t hindi na siya ni-renew? Nakabibilib din naman ang mga artistang sa kabila ng kawalan ng franchise ng ABS-CBN, pinipili pa rin nilang lumipat.

Base sa mga comment na nababasa namin mula sa netizens, may mga nalulungkot na aalis na si Janine sa GMA. Masaya naman ang mga fan ng Kapamilya na nagsasabing matagal na raw nilang hinihintay si Janine sa network.

Naalala namin nang lumipat ang dating boyfriend ni Janine na si Elmo Magalona sa kabilang network, hindi rin naiwasan, nagkahiwalay sila.

Ngayon, si Janine ang lilipat at maiiwan naman si Rayver Cruz, sana history won’t repeat itself.

Sarah-Matteo dinalaw ng kampo ni Mommy Divine

Dumalaw sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang pinsan ni Sarah at ang pamilya nito. Bale kamag-anak ni Mommy Divine ang naturang pinsan ni Sarah.

Karga-karga ni Sarah sa picture ang months old baby pa lang na posibleng anak ng pinsan niya.

Nag-post ng get-together nila ay ang pinsan mismo ni Sarah. Naka-private ang Instagram account nito, pero nai-share ng isa sa mga fan ni Sarah.

Marami ang natuwa nang makita na hindi naman pala tuluyang naputol ang anumang relasyon ni Sarah sa side of her family/relatives.

Hoping, lalo na ang mga fan nito na sana raw, ang susunod nilang makita at malaman ay ang pagsasama ng muli ni Sarah at immediate family niya.

Feel daw nila na gaano man kasaya si Sarah sa kanyang marriage life, may kulang pa rin dahil nga hindi pa rin ito okay lalo na sa kanyang mga magulang.

The post Janine, Rayver nangangamoy hiwalayan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *