Janine, Rayver nag-honeymoon sa Paris

Kilig na kilig si Janine Gutierrez na ikinuwento ang trip nila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz sa Paris. At natawa nga siya nu’ng sabihin namin na para silang ‘honeymooners’ sa Paris.

janine rayver nag honeymoon sa paris - Janine, Rayver nag-honeymoon sa Paris
janine x rayver - Janine, Rayver nag-honeymoon sa Paris

Kilig na kilig si Janine Gutierrez na ikinuwento ang trip nila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz sa Paris. At natawa nga siya nu’ng sabihin namin na para silang ‘honeymooners’ sa Paris.

“Hahahaha! Basta ba Paris honeymoon agad? Hahahahaha!” reaksiyon ni Janine sa presscon ng “Baril at Babae”.

Pero patuloy na kuwento ni Janine, dahil first time nila na mag-travel na silang dalawa lang, dahil ang mga trip nila abroad noon ay may mga kasamang pamilya at kaibigan, ngayon nga ay silang dalawa lang.

“Niloloko ko kasi siya na hindi siya marunong magreklamo. Kasi, sobrang daming tatak ng passport niya, halos nalibot na niya ang buong mundo, pero Star Magic ang nagplano lahat noon.

“So niloloko ko siya na hindi siya marunong magplano, na hindi nga siya marunong mag-train sa Japan. Ako kasi ako lahat nagpaplano lahat.

“Eh, this trip nga ang dami niyang plinano. Sobrang proud ako sa kanya. And I’m happily surprised sa mga ginawa niya, na ginalingan talaga niya.

“Super happy kasi iba talaga ‘pag biyahe. Na doon mo mati-test kung mag-aaway ba kayo. Eh, never kaming nag-away. Hahahaha!” patuloy na kuwento ni Janine.

Hindi ka ba kinabahan na baka mag-propose si Rayver nu’ng nasa Eiffel Tower sila? O baka naman nag-expect talaga siya na magpu-propose na nga ang aktor?

“Hahahahaha! Actually nu’ng nasa Colosseu may dalawang proposal na nakita namin. Hindi naman ako nag-expect. Hahahahaha!

“Alam naman niya na hindi pa kami handa na dalawa. Marami pa akong gustong gawin. Siguro, kung gagawin niya ‘yon, at Paris din ang setting, ang sagot ko, ‘Wait lang muna.’ Hahahahaha!” natatawang sabi pa ni Janine.

Anyway, kaabang-abang ang “Baril at Babae” na pelikula ni Janine na dinirek ni Rae Red. Marami nga siyang ginawa rito na hindi pa niya nagagawa sa telebisyon, o sa tunay na buhay. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *