Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa Famas

Umaani ng trophy ang Kapuso actress at kilalang fashionista na si Janine Gutierrez dahil sa pelikula niyang Babae at Baril.

The post Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa Famas first appeared on Abante.

janine pinadapa sina kathryn nadine bela sa famas - Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa Famas
janine - Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa Famas

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 2 300x180 - Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa FamasUmaani ng trophy ang Kapuso actress at kilalang fashionista na si Janine Gutierrez dahil sa pelikula niyang Babae at Baril.

Sunod-sunod ang pagka-panalo ni Janine bilang Best Actress sa naturang indie movie at ang latest nga, ang pagiging FAMAS Best Actress niya.

Kung may pinaka-proud man kay Janine, ito ay walang-iba kung hindi ang kanyang ina na si Lotlot de Leon.

After rin (tapos na nga ba?) ng isyu sa kanilang magkakapatid at sa kanilang ina na si Nora Aunor, malaking pampa-good vibes dito na nagsabing napapagod na ang mga recognition ng anak.

Sey ni Lotlot kay Janine, “Anak, I am so proud of you! God is truly good! You deserve this anak for all the hard work. Mabait ang Dios talaga!!!

“To my FAMAS BEST ACTRESS, CONGRATULATIONS ANAK!!! You make us proud!!!”

Sina Jean Garcia, Nadine Lustre, Bela Padilla, Kathryn Bernardo ang kinabog ni Nadine sa kategoryang ito.

Eigenmann, Alipayo sa Siargao pakakasal

Mula sa mga controversial past relationships ni Andi Eigenmann, heto at ang daming nai-inspire sa kanya dahil sa mga nagiging choices niya.

Una, yung pagpili niya na mabuhay sa malayong lugar ng Siargao, pagmamahal sa environment at ang nakikita sa kanyang pag-aalaga at pagmamahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang magiging tatlong anak na.

Sino nga ba ang mag-aakala na after everything, ang magiging happiness pala ni Andi ay nasa malayong lugar ng Siargao. At dito na rin siya magpapakasal dahil engaged na siya sa kanyang partner, ang surfer na si Philmar Alipayo.

Bumaha ng mga pagbati ng mga kaibigang celebrities ni Andi ang Instagram nito. At very Andi and Philmar ang mga photo shoot nila sa dagat.

At walang duda na masaya ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose na isa sa mga unang nag-like sa IG post naman ni Philmar.

***

Cebuana Jessica wagi sa The Clash 3

Ang Cebuana na si Jessica Villarubin ang itinanghal na The Clash Season 3 Grand Champion noong Linggo ng gabi. As expected, may kanya-kanyang bet, lalo na ang mga netizens.

In fact, umpisa pa lang sa Top 6, maingay na palagi ang name ni Jenny Gabriel. Kahit sa mga co-finalists niya, si Jenny ang iniisip nilang magiging strong contender.

Pero sabi nga, nagkakaalaman talaga sa mismong laban at humataw, bumirit talaga si Jessica at ipinakita ang bonggang kakayahan niya.

In fairness ha, halos positive naman ang mga comments sa pagigiging champion niya. Kung pagbabasehan din ang comments ng netizens, ang daming nagsasabi na ang ika-3rd season daw ng The Clash ang makokonsider na pinaka-best lahat ng Top 6.

Muling mapapanood ang The Clash Season 3 sa mismong araw ng Pasko, sa December 25 para sa The Clash Christmas Special: Pasko Para sa Lahat.

The post Janine pinadapa sina Kathryn, Nadine, Bela sa Famas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *