Janine, Lovi nagliyab ang kaseksihan sa IG

Nagliliyab sa kaseksihan ang mga Kapuso star na sina Lovi Poe at Janine Gutierrez sa Instagram. Naloka ang marami sa Instagram post ni Janine ng short video nila ni Lovi.

The post Janine, Lovi nagliyab ang kaseksihan sa IG first appeared on Abante.

janine lovi nagliyab ang kaseksihan sa ig - Janine, Lovi nagliyab ang kaseksihan sa IG
two hot damn girls - Janine, Lovi nagliyab ang kaseksihan sa IG

Nagliliyab sa kaseksihan ang mga Kapuso star na sina Lovi Poe at Janine Gutierrez sa Instagram.

Naloka ang marami sa Instagram post ni Janine ng short video nila ni Lovi.

Hindi simple ang pictorial ng dalawa dahil pareho silang naka-bathing suit para sa campaign ad ng Belo Medical Clinic.

Patalbugan sa kaseksihan ang dalawa habang nagi-emote sa harap ng kamera. Magkadikit ang mga katawan nina Lovi at Janine, pati ang kanilang mga mukha.

Kanya-kanya silang bigay ng facial expression na parang nang-aakit.

Lantad ang mga pigi ni Janine sa one-piece swimwear nito samantalang two piece naman ang kay Lovi.

Walang itulak kabigin sa ganda at kaseksihan ng dalawa, dahilan para ulanin ng mga naliliyab na emoticon ang comment ng mga follower nila, kabilang na ang mga kaibigang nilang mga artista.

Pero para kay Janine, ipinaubaya niya kay Lovi ang pagiging mas maanghang at matapang na kaseksihan, noong sabihin niya sa caption na idolo niya ito.

Umayon din naman ang ilan sa mga nakasilip ng post at sinabing iba rin kung mag-emote si Lovi.

Asahang magti-trending ang nasabing video lalo’t unang pagkakataong nagsama sa sexy pictorial sina Lovi at Janine na halos hubo’t hubad sa kanilang suot. (Rey Pumaloy)

The post Janine, Lovi nagliyab ang kaseksihan sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *