Janine inindiyan ni Rayver sa New York

Sa Saturday ang balik sa bansa ni Janine Gutierrez mula sa bakasyon niya sa New York City.

The post Janine inindiyan ni Rayver sa New York appeared first on Abante News Online.

janine inindiyan ni rayver sa new york - Janine inindiyan ni Rayver sa New York
Janine Gutierrez 1 - Janine inindiyan ni Rayver sa New York

abante anything goes jun lalin 336x224 - Janine inindiyan ni Rayver sa New York
Sa Saturday ang balik sa bansa ni Janine Gutierrez mula sa bakasyon niya sa New York City.

Sabi ng manager ni Janine na si Leo Dominguez, walang work na ginawa roon ang dalaga.

Bale matagal na raw na nakaplano ang pagpunta ni Janine sa New York City kaya naipagpaalam na nila sa production ng afternoon series na Dragon Lady at naayos naman daw ang advance taping ng dalaga.

Pagbalik, sasalang kaagad sa taping ng Dragon Lady si Janine at sanay na naman daw sa ganoon ang aktres.

May ibang mga fan nga pala si Janine na maka-Rayver Cruz ang umaasang susundan ng binata sa New York City ang aktres, pero mangyari kaya ‘yon? Ang dinig ko, dapat daw ay sasama talaga si Rayver sa New York City, pero may work daw na hindi maiwanan.

Gano’n?!

Glydel ayaw tularan ni Tonton

Kung ang iba nilang mga kapatid ay kaliwa’t kanan ang social media accounts, sina Tonton at Ramon Christopher Gutierrez naman, hindi mahilig sa ganoon.

Actually, si Monching, gumawa ng Instagram account to support and promote the projects of her daughter Janine, pero nawala raw ang account niya dahil nai-“lock” niya at papaayos pa lang daw. Si Tonton naman, wala raw kahit IG o Facebook.

Pero ang misis ni Tonton na si Glydel Mercado, na part ng cast ng Kara Mia ng GMA 7 ay mahilig mag-post sa social media, pero knowing Tonton, hindi niya tinutularan ang kanyang misis.

Regine gusto nang bamalik ng Pilipinas

As you read this, ginaganap na sa Alex Theater sa Glendale, California ang last show ng Songbird Sings concert series ni Regine Velasquez-Alcasid.  Sa Wednesday nga ay aalis na sila sa Los Angeles. Excited na nga raw silang umuwi kasama ng anak na si Nate.

Kamakailan nga pala ay namasyal sila sa Solvang at nag-enjoy sa lugar na ‘yon, pero the last time na kausap ko si Ogie Alcasid ay sinabing hindi na nila madadala sa Disneyland ang anak dahil kulang na raw sa oras.

Sexy star noon, stage mother na ngayon

Mukhang naaliw si Rina Reyes, former sexy star, sa komentong future stage mother siya dahil nakabantay nga siya sa launch ng Star Magic Circle 2019 kung saan isa ang anak niyang si Sophie Reyes sa mga ni-launch, dahil tawang-tawa siya.

Sabi ni Rina, supportive mom siya kay Sophie at hindi naman siya um-attend doon para magpaka-stage mom.

Dahil artista ang nanay ni Sophie, advantage sa kanya ‘yon para mas madaling makilala.

Siyempre, lola ni Sophie si Baby O’Brien na nanay ni Rina at great grand mother niya si Paraluman.

Dahil galingNsa showbiz family, inaasahan na magi-ging mahusya ring artista si Sophie!

The post Janine inindiyan ni Rayver sa New York appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *