Janine Desiderio boto kay Markus

Sa wakas inamin na nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang relasyon.

The post Janine Desiderio boto kay Markus first appeared on Abante.

janine desiderio boto kay markus - Janine Desiderio boto kay Markus
Janella Salvador 1 - Janine Desiderio boto kay Markus

Sa wakas inamin na nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang relasyon.

Pinoste ni Janelle ang larawan nila ni Markus na magkayakap.

“The best hugs in the world from the best potato in the world.”

Sa Instagram naman ni Markus nang lambingan nila ni Janella, ramdam ang lubos na pag-ibig nito sa aktres.

“My world,” ang deskripsiyon niya.

Siyempre, masaya ang mga kaibigan nila sa showbiz tulad nina Maja Salvador, Sofia Andres, Michelle Vito, Enchong Dee, Alex Gonzaga, Kyle Echarri at marai pang iba.

Hindi kataka-taka na putaktihin ng mga komento ang post ni Markus dahil sa video ipinapakitang nagtutukaan sila ni Janella habang nagsasayaw na magkayakap.

Sa mga mensahe ng mga fan sa dalawa, parang lumalabas na engaged na sina Janella at Markus, ha! Eh, wala namang ipinakitang singsing ang Kapamilya actress. Ang ilan naman ay iginiit na buntis si Janella.

Pero, ang maganda, tila boto nga raw ang nanay ni Janella na si Janine Desiderio kay Markus, ha! (Rey Pumaloy)

The post Janine Desiderio boto kay Markus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *