Janice natakam sa saging ni Gabby

May kilig na hatid pa rin ang tandem nina Gabby Concepcion at Janice de Belen, ha! Katunayan, kilig na kilig ang mga fan nila nu’ng makitang nagtsitsikahan sila sa Instagram.

janice natakam sa saging ni gabby - Janice natakam sa saging ni Gabby
gabby 3 - Janice natakam sa saging ni Gabby

May kilig na hatid pa rin ang tandem nina Gabby Concepcion at Janice de Belen, ha! Katunayan, kilig na kilig ang mga fan nila nu’ng makitang nagtsitsikahan sila sa Instagram.

Si Gabby kasi, nag-post sa IG niya ng photo na may hawak siyang isang buwig ng saging na saba.

“Saging saba. Isang BUIG. Pag hinog, halo sa Kings Herbal. Yummmy #amanglobohomestead #farm #saba #sagingsaba #kingsherbal,” sabi ni Gabby.

Eh, nag-comment si Janice, na gusto nga niyang humingi at matikman ang saging ni Gabby.

“Gabby pahingi,” sabi ni Janice.

“Ano address mo? Ipadala ko na,” sagot naman ni Gabby.

At ‘yun nga, sabi ni wendalzsato: “Omg Janice, Gabby susko my fav loveteam.”

Hirit naman ni itsmecristinah: “Hehehe natuwa ako sa post ni @super_janice and reply ni @concepciongabby ‘muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.’”

At chika ni bikerider10309: kinilig ako sobra @super_janice @concepciongabby!”

Oh, di ba? Wish nila, sana ay magkatrabahong muli ang dalawa. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *