Janella super happy sa piling ni Markus

Unang beses na nabigyan ng pagkakataon ni Janella Salvador ang kaibigang si Erich Gonzales na mag-tsikahan sa pamamagitan ng vlog ng huli.

janella super happy sa piling ni markus - Janella super happy sa piling ni Markus
janella 3 - Janella super happy sa piling ni Markus

Unang beses na nabigyan ng pagkakataon ni Janella Salvador ang kaibigang si Erich Gonzales na mag-tsikahan sa pamamagitan ng vlog ng huli.

Kuwento ni Janella, pangarap nitong bisitahin ang Paris pero gusto niya, kapag pumunta siya doon ay kasama ang special someone niya.

“Sino ‘yan? Share mo naman!” hirit na tanong naman ni Erich.

“Tago na lang natin sa pangalang….(sabay takip ng bibig),” ang naging tugon naman ni Janella.

“Okay, basta masaya ka,” sey naman ni Erich. Sumagot naman ng “super” si Janella. So sino nga kaya ang “super” nagpapasaya kay Janella?

Well, si Markus Paterson nga ang sinasabing nagpapasaya ngayon kay Janella.

Pero guess what? Nang tanungin ito kung maaari bang magbigay ng clue kung sino kaya ang nagpapasaya o nagpapakilig sa kanya, “B” ang una niyang (Janella) sagot dahil ‘yun ang inisyal ng kanyang pusa pero sunod na sagot nito ay “M”, pero nilinaw nito na nangangahulugang “Mama” ang inisyal na kanyang ibinigay.

“So ‘di ka pa ready?…. i-share (tungkol sa love life)?” dagdag pang tanong ni Erich.

“‘Di naman sa hindi ready i-share, it’s just that ayaw ko lang ng maraming makisawsaw… like if you see me with someone you know who, then… you see us together, then that’s it. I won’t explain myself. That’s it, we’re together. Pero walang manggaling sa’min,” paliwanag naman ni Janella. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *