Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineer

Dahil kay Janella Salvador ay nagawang tapusin ng isa niyang fan ang pag-aaral nito. Isa na ngang certified at licensed civil engineer si Joshua Ryan Nolasco. Naka-post pa sa Twitter account ni Janella ang larawan ni Joshua na naka-graduation barong at sash habang hawak nito ang malaking photo tarpaulin ni Janella. Nagpasalamat si Joshua kay […]

The post Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineer appeared first on Abante News Online.

janella salvador inspirasyon ng bagong civil engineer - Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineer
Janella Salvador - Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineer

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineerDahil kay Janella Salvador ay nagawang tapusin ng isa niyang fan ang pag-aaral nito. Isa na ngang certified at licensed civil engineer si Joshua Ryan Nolasco.

Naka-post pa sa Twitter account ni Janella ang larawan ni Joshua na naka-graduation barong at sash habang hawak nito ang malaking photo tarpaulin ni Janella.

Nagpasalamat si Joshua kay Janella sa pagiging inspirasyon nito sa kanya sa kolehiyo at hanggang sa pag-take niya ng board exam.

Ipinagmalaki ng fan ang kanyang achievement at in-acknowledge ang tulong na naibigay sa kanya ng kapamil­ya star dahil sa inspirasyon. Nalusaw naman ang puso ni Janella sa kasiyahan sa dedication ng fan sa kanya.

“This melts my heart. I’m so proud of you,” sabi ni Janella.

Sheena Halili nag-iwan ng bra sa New Zealand

Nag-iwan ng kanyang bra si Sheena Halili sa New Zealand at ipinangalandakan pa niya ito sa kanyang Instagram wall. Naka-post sa IG wall ng Kapuso star na idinikit pa niya ang stick on bra sa dibdib ng concrete headless mannequin at sinulatan pa ng kanyang pangalan ang cap ng bra.

Ang pag-iiwan ng bra ni Sheena ay bilang pakikiisa n’ya sa Breast Cancer Awareness. Nasa pamosong Cardrona Bra Fence si Sheena.

Isa itong lugar kung saan makikita ang hindi na mabilang na bra na iniwan ng maraming turistang babae doon mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang na si Sheena sa mga babaeng nagtanggal ng kanilang mga bra para sa isang cause.

Kylie madalas papakin ni Jake

Lumalaban ng patamisan ng relasyon sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa ibang mga showbiz relationship. Hindi na naawat pa ang dalawang artista ng “Los Bastardos” sa madalas nilang PDA o public display of affection sa social media.

Kapag nagsama ang dalawa, la­ging sweet sila, gaya ng pinaka-la­test na photo nila na kuha sa veranda, at tila galing sa isang formal event. Sa post, makikitang yakap-yakap ni Jake ang kasintahan paharap.

Nakahalik si Jake sa pisngi ni Kylie, na makikitang gustung-gusto naman ito ng beauty queen.

Napuno ng mga comments ang post na ito ni Jake mula sa mga follower na nagsasabing “super sweet” nga ang dalawa.

Nahanap na yata ni Jake ang babaeng magpapasaya sa kanya, si Kylie nga. Lagi kasing nakayakap at nakahalik ang aktor kay Kylie.

The post Janella Salvador inspirasyon ng bagong civil engineer appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *