Janella Salvador buntis?

Kinumpirma na nina Janella Salvador at Markus Patterson ang totoong estado ng relasyon nila. Last year pa napapabalita ang pagkakaroon nila ng relasyon, pero, parehong walang direktang pag-amin sa dalawa.

The post Janella Salvador buntis? first appeared on Abante.

janella salvador buntis - Janella Salvador buntis?
Janella Salvador - Janella Salvador buntis?

Kinumpirma na nina Janella Salvador at Markus Patterson ang totoong estado ng relasyon nila. Last year pa napapabalita ang pagkakaroon nila ng relasyon, pero, parehong walang direktang pag-amin sa dalawa.

Pero noong Sabado ng gabi, parehong nag-post na magkayakap sina Janella at Markus. Nasa Japan si Janella at kasama nito ang ina na si Jenine Desiderio pero, sumunod daw si Markus sa mag-ina para makasama ang mga ito sa naturang post.

Sa caption ni Janella sa magkayakap nilang larawan ni Markus sa Osaka, Japan, na nasa tapat ng kilalang pictorial spot na Glico Running man, sey niya, “The best hugs in the world from the best potato in the world.”

Habang si Markus naman ay nag-post ng video na magkayakap sila, naghalikan habang nagsasayaw.

Sa isang banda, kung matatandaan, naging controversial ang isa sa huling relasyon ni Janella kunsaan, against talaga ang kanyang ina.

Pero ngayon, bukod sa isang taon na yata sina Janella at Markus dahil last year halos of the same time ay naiintriga na sila, naitawid nila ito ng tahimik at heto nga, nakakasama pa nila ang mommy ni Janella tulad sa Japan.

Binasa naman namin ang mga comments ng fan sa parehong post. Interesting ang mga post at reaction ng mga fans dahil may kanya-kanya silang kuro-kuro sa pag-amin ng dalawa.

Sey ng ilan sa kanila, “I’m sad for Joshua Garcia.”

“Sana si Joshua na lang.”

“Bakit bigla silang nag-post, siguro anniversary nila.”

“Baka nga preggy si Janella kaya umamin na sila?”

Pati nga si Janine ay tinanong ng mga fan kung totoo bang buntis si Janella, ha! (Rose Garcia)

The post Janella Salvador buntis? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *